Magkasintahan, Parehong Magna Cum Laude at Parehong Board Exam Topnotchers!


Labis na hinangaan ang magkasintahang sina Jhane Eyre Marie Olmedo at Jonel Gallaza nang makapagtapos sila sa kolehiyo bilang magna cum laude sa Leyte Normal University. Sina Jhane at Jonel ay pareho ring topnotchers sa Licensure Examination for Teachers. Si Jonel ay Top 8 sa 2019 Licensure Examination for Teachers habang ang kanyang girlfriend na si Jhane ay Top 3 sa 2022 LET.

Labis ang kasiyahan ni Jhane nang makita niya ang pangalan sa mga nakapasa sa naturang exam at hindi niya lubos akalain na masasama siya sa Top 10. Ikinwento ni Jhane na naranasan pa niya ang face-to-face review sa paghahanda para sa LET ngunit nang magpand3mya ay nag switch sila sa online review.

Ayon sa magkasintahan, plano nilang tapusin ang kanilang master’s degree upang makapagturo din sila sa kolehiyo.

Nagtapos si Jhane sa kursong Bachelor of Science in Education, Major in Biological Science at si Jonel ay Bachelor of Science in Education, Major in Mathematics.

Tunay nga na ‘relationship goals’ ang ginawa ng magkasintahang Jhane at Jonel. Sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap. Pinagsasabay din nila ang ‘love’ at ‘career’ na talaga namang nakakahanga para sa isang magkasintahan. Congratulations Jhane at Jonel!