Maja Salvador, pina-wow ang mga netizens ng ibinahagi ang kanyang bonggang sasakyan papuntang trabaho!

Maja Salvador, pina-wow ang mga netizens ng ibinahagi ang kanyang bonggang sasakyan papuntang trabaho!

Napa-wow na lamang ang madla sa pag-flex ni Maja Salvador sa sasakyan na kanyang ginamit papunta ng trabaho.

Sa Instagram post ni Maja, ilang larawan ang kanyang ibinahagi. Kung saan nasa harapan siya ng isang helicopter.

Simpleng caption ng aktres, “Off to work” suot ang simpleng t-shirt na may tatak na sporty and rich at pantalon. With matching bag and shades.

Kaya naman nawindang ang mga netizens dahil sa kabonggahan na ito ni Maja. Pupunta lamang daw ng trabaho ay helicopter pa ang kanyang way of transportation.

Kaya naman sa comment section ng kanyang post ay agad na napa-wow na lamang ang maraming netizens at ilang celebrity.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Bongga ng sasakyan ni Maja iwas traffic”

“your tshirt says it all. sporty and rich”

“Iba talaga ang Maja Salvador pupunta lang ng trabaho naka-helicopter pa”

“Kuya Wil ikaw ba yan? Mamimigay ka na din ba ng jacket Maja?”

“Taray ang sosyal ng service”

Sa kanyang Instagram stories, nagbahagi din si Maja ng larawan habang nakasakay na siya sa loob ng chopper.

Hindi naman ipinakita kung sino ang kasama ng aktres sa kanyang helicopter ride.