Taong 2003 nang mapagesisyunan ni Edgar “Injap” Sia II na pasukin at sumugal sa pagnenegosyo sa halipa na ituloy ang kaniyang degree sa Architecture.

Ngunit, wala namang pinagsisihan si Sia sa kaniyang naging desisyon dahil talaga namang malaki ang pinagbago ng kaniyang buhay simula nang mag-umpisa siya sa pagne-negosyo. Sa katunayan nga niyan ay napasama pa si Sia sa listahan ng Forbes ng 40 na Pinakamayang Pilipino.

Noong Disyembre 12, 2003 ay naisip ng 30-anyos na bilyonaryo na itaguyod ang kilalang Filipino barbecue chain na Mang Inasal. Nagkaroon siya ng unang branch ng nasabing fast food chain sa isang pwesto sa Robinson’s Mall Carpark sa Iloilo na tatlong taon nang walang tumatao.

Sa panayam ng Rappler sa business consultant na si Butz Bartolome, sinabi niya na kitang kita kay Sia ang passion at confidence nito sa pagnenegosyo.

Aniya,

“He was oozing with passion and full of confidence. He had a dream in his mind. He put his studies at stake and accepted that fact. He compensated [for his lack of education] by tapping the best in the community.”

Ngunit hindi naging madali noon kay Sia ang negosyo na kaniyang pinasok dahil maraming mga potential suppliers ang tumatanggi sa kaniya noon dahil kulang siya sa track record na pinagbabasehan ng iba. Kaya naman naisip ni Sia na maghanap na lamang ng supplier sa ilang mga kooperatiba at wet market sa Iloilo. Ngayon naman ay talagang matagumpay na ang negosyong sinimulan ni Sia at siya ay nakakapagbigay na din ng trabaho sa ilan nating mga kababayan.

Ang Mang Inasal din ay gumagamit ng mula sa kanilang pamayanan dahilan para ito ay makatulong sa pagpapaunlad nito at ng ilan pang mga negosyo. Nakakuha sila ng ahon ng saging mula sa Guimaras para ilagay at gamitin sa kanilang pagkain habang ang mga kooperatiba naman sa Iloilo ay binibigyan sila ng mga stick ng kawayan.

Ani Butz,

“He coul have sold 100%. He coul have lived a lifestyle. But he has learned to give back and share to the community which had returned to him the favor [when he was starting.]”

Nakapagpatayo si Sia ng tinatayang 26 branches sa Visayas at Mindanao noong 2006 kaya napagdesisyunan din niya na magbuksan ng kauna-unahan niyang outlet sa “make-or-break” na lungsog ng Maynila sa kaparehas na taon. Ngunit ano nga ba ang nakakuha ng atensyon at puso ng marami para tangkilikin ang Mang Inasal sa kabila ng mga fast food chain na kakumpitensya nito? Ang tanging sagot ni Sia dito ay kanin. Alam naman natin na isa ang kanin sa gmga hindi mawawala sa hapagkainan ng mga Pilipino.

Taong 2006 nang dumating ang krisis sa bansa tungkol sa kakulangan ng supply ng bigas sa ating bansa. Ngunit sa kabila nito ay naisip ni Sia na ialok sa mga customer ng Mang Inasal ang “Unli Rice” promo.

Noong una ay dalawang buwan lamang sana itatagal ang promo na ito ngunit ito ay naisipan na ipagpatuloy ni Sia dahil sa mas dumaming customer ang tumangkilik pa sa Mang Inasal. Tinatayang nasa mahigit na 460 na tindahan na ang Mang Inasal noong Marso 2014.

Ayon kay Sia, natutunan niya sa kaniyang negosyo ang kahalagahan ng pag-uudyok sa iyong sarili at sa iyong mga tao, pag-diskarte, pakikipag-ayos, pagsunod sa iyong likas na ugali, at pag-take ng risk

Read also:

Anak Ni Jaworski, Ibinunyag Ang Tunay Na Kalagayan Ng Kaniyang Ama Ngayon

Inihayag ni Robert “Dodot” Jaworski Jr. na ang kaniyang ama na si PBA great Robert “Sonny” Jaworski ay hindi pa tuluyang…

Inihayag ni Robert “Dodot” Jaworski Jr. na ang kaniyang ama na si PBA great Robert “Sonny” Jaworski ay hindi pa tuluyang magaling matapos nitong tamaan ng sakit na pneumonia noong nakaraang taon.

Sinabi ni Dodot na ang kaniyang ama ay nakikipaglaban ngayon sa isang bihirang karamdaman sa dugo dahilan para siya ay madaling tamaan ng iba pang mga karamdaman.

Ani Dodot sa panayam sa kaniya ni Anthony Taberna sa programa nito na “Tune in kay Tunying”,

“Mayroon siyang blood disease e. It’s a problem na elevated ang kanyang iron… pero at the same time an3mic siya.”

Dagdag pa niya,

“For the past so many years, we’ve been trying to look for doctors here and abroad but none of them can understand anong nangyayari sa kanya.

“He’s okay naman but he’s not 100% physical strength.”

Si Jaworski, na kilala rin bilang “Big J,” ay isa sa pinakamamahal na alamat sa kasaysayan ng basketball sa Pilipinas. Siya ay nakilala ng marami dahil sa kaniyang “never say d1e” spirit na nagbibigay ng positibo at magandang laro sa kanilang team na Ginebra.

Siya ay tinawag din na “Living Legend” ng Philippine basketball dahil sa kaniyang matagal na karera sa PBA.

Ngunit sinabi ni Dodot na ang matagal na karera sa basketball ng kanyang ama ay siya ding isa sa naging sanhi para sa pagkakasakit ni Jaworski.

Aniya,

“Sa long exposure niya sa physical strain ng hardcourt, siyempre lumalabas ang sakit ng tuhod, sakit sa likod.”

Saad pa ni Dodot,

“Inaalagaan siya sa bahay niya sa Corinthians. There are days he’s in high spirits, doing very well. May mga araw lang namang tahimik din siya. Sana nga bumalik ‘yung kanyang sigla at lakas.”

Sinabi ni Dodot na ang “high iron” levels ng kaniyang ama ang naging dahilan kung bakit ito nagtagal sa basketball. Ngunit ang kaniyang kalusugan ay malaki din ang pinagbabago habang siya ay tumatanda.

Sambit ni Dodot,

“He retired from the PBA at the age of 50. It could be ‘yung high iron levels is one of the reasons why parang naging super active siya compared to the others. Now ngayong nagkaka-edad siya, it could be the reason why humina siyang bigla.”

Samantala, nanawagan naman ng panalangin si Dodot sa publiko para sa tuluyang paggaling ng kaniyang ama sa s4kit na iniinda nito.

Aniya,

“Sa lahat ng mga fans… we thank you for the well wishes, pero kailangan po ng dasal para tuluyan na siyang gumaling.”

Read also:

Naaalala Niyo Pa Ba Si Arnel Pineda? Ito Na Pala Ang Kaniyang Buhay Ngayon

Hindi maipagkakaila na marami na ding naiambag ang batikang mang-aawit na si Arnel Pineda sa Pilipinas sa larangan ng musika. Ngunit, katulad ng ibang mga matatagumpay na personalidad ngayon, si Arnel ay dumaan din sa hirap ng buhay.

Noong siya ay bata pa, kinakailangan niyang tumigil sa pag-aaral at magbanat na ng buto upang makatulong sa pamilya.

Sa murang edad ay naranasan na niyang mangolekta ng mga glass bottles, newspapers, at scrap metal na binebenta niya sa mga recyclers. Siya ay pumupunta din noon sa pier kasama ang kaniyang mga kaibigan upang kumuha ng kakaibang mga trabaho kagaya ng paglilinis ng docked ships at scrap metal.

Dahil sa sipag at tiyaga, nagawa ni Arnel na makaahon mula sa hirap ng buhay. Marami ding oportunidad ang nagbukas sa kaniya dahil sa kaniyang talento sa pagkanta.

Siya ay isa sa mga miyembro noon ng bandang ‘Ijos’ at napasama din sa banda na ‘Amo’. Nang magkahiwa-hiwalay ang kanilang miyembro, si Arnel ay napunta naman sa bagong banda na tinawag na ‘New Age’. Dahil sa husay ng kanilang banda, sila ay nabigyan ng pagkakataon na makapag-perform sa kilalang entertainment restaurant sa Hong Kong na ‘Grammy’s’.

Si Arnel ay na-diskubre ng Warnel Bros noong 1999 na nagbigay sa kaniya ng maraming oportunidad na maipakita pa ang kaniyang talento. Siya ay nagkaroon din ng solo album na may pamagat na ‘Arnel Pineda.’

Dito na nagsimulang gumanda ang karera ni Arnel sa mundo ng pag-awit. Sa katunayan nga niyan, siya ay hindi lamang kilala sa Pilipinas kundi pati na din sa ibang bansa dahil sa kaniyang mga performenca sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Si Arnel ay isa na ngayong lead singer ng American rock band na Journey. Maliban sa kaniyang singing career, naka-focus din ngayon si Arnel sa kaniyang pamilya.