Masipag na Bata, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon sa Araw-araw.


Kahit pa man sabihin nating nasa modernong mundo na tayo, hindi pa rin maiiwasan na may mga kababayan tayong salat sa kanilang buhay. Subalit, kahit hirap ang kanilang kalagayan , patuloy pa rin silang kumakayod para makaraos sa kahirapan.

Hindi man sila mayaman sa materyal na bagay,sagana naman sa pangarap at pag-asa ang karamihan sa mga nakatira doon. Isa na sa kanila ay ang batang babae na ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Maraming netizens ang naantig sa nakaka-inspire na kwento ng batang ito mula sa Zamboanga del Sur. Ibinahagi ng guro na si Almera Maquintura Bagares ang kwento ng kanyang estudyante. Ayon kay Ma’am Bagares, isa sa mga natatanging mag-aaral niya ay si Cristine Nonan.

Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Cristine sa Busol, Tigbao, Zamboanga del Sur. Sa kabila ng kanilang gipit na pamumuhay, pursigido ang mga magulang ni Cristine na igapang ang pag-aaral niya. Sinusuklian naman ni Cristine ng kasipagan ang mga sakripisyo ng kaniyang magulang.

Kaya naman kahit walang baon o bagong gamit ay matyagang pumapasok si Cristine araw-araw. Ayon sa guro ni Cristine, madalas itong pumasok sa eskwela ng walang baon o pera. Minsan naman daw ay kumakain ito ng ilang pirasong tuyo at kamote upang maipangtawid gutom.

Ayon sa guro, parehong magsasaka ang mga magulang ni Cristine. Ngunit hindi rin sasapat ang mga kinikita nila dahil hindi sa nila pagmamay-ari ang lupa na sinasaka nila. Ngunit sa kabila ng kahirapan, nagsisipag pa rin silang mairaos ang pag-aaral ng kanilang anak na si Cristine.

Dahil dito, maraming netizens ang nag-offer na tulungan ang masipag na estudyanteng ito. Sa social media, bumaha ang tulong at suporta para kay Cristine at sa kanyang pamilya. Maraming netizens din ang sumaludo sa kasipagan ng estudyante na ito.