Hindi maipagkakaila na karamihan sa ating mga Pinoy ay namulat sa mahirap na buhay. Marami sa atin ang “Isang kahig, isang tuka,” kung kaya naman nagpupursigi tayo upang makaraos araw araw. Dahil mahirap ang buhay, araw-gabi tayong kumakayod. Dahil dito, maraming may edad na ang napipilitang magtrabaho pa para lamang may ipakain sa kanilang pamilya.

Talaga nga namang nakakalungkot makakita ng mga lolo at lola na naghahanapbuhay pa rin para lamang kumita. Kahit pa hindi na kaya ng kanilang katawan, pinipilit nilang magtrabaho kapalit ng kakarampot na kita. Kagaya na lamang ng matandang babaeng ito, na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Maraming netizens ang di mapigilang maging emosyonal sa nakakaawang kalagayan ni Lola. Isang concerned netizen ang nagbahagi ng mga larawang ito, na agad ring nag-viral sa social media. Sa mga viral photos, makikita ang isang matandang babae na nagbebenta ng gulay sa tabi ng kalsada.

Kahit pa matanda na si Lola, pilit pa rin itong naghahanapbuhay para lamang kumita. Nagtitinda ito ng sari-saring gulay sa tabi ng kalsada tuwing umaga. Ngunit sa sobrang pagod sa kakabantay ng kanyang mga paninda, nakakatulog na lamang ito sa daan. Nasa ganitong sitwasyon siya nang mapicturan siya ng isang dumadaan na concerned citizen.

Karamihan sa edad ni Lola ay nasa bahay na lamang at nagpapahinga. Ngunit dahil may pamilya siyang dapat buhayin, nagsusumikap pa rin siyang maghanapbuhay. Kaya naman bumilib ang mga netizens sa katatagan niya. Matapos mag-viral ang larawan na ito, marami rin ang nais maghatid ng tulong kay nanay.

Umaasa ang marami na sasapat ang tulong na natanggap ni Lola mula sa social media upang tumigil na ito sa paghahanapbuhay. Hindi maitatangging delikado rin ang lumabas ngayon, lalo pa’t nasa kalagitnaan tayo ng C0V!D-19 pand3mic.

Read also:

Para Matustusan Ang Kanyang Pag-aaral At Pangangailangan Ng Kanyang Pamilya, Kinailangan Niyang Magbenta Ng Sampaguita Sa Lansangan Habang Nag-aaral

If you are from Manila, it is a common scene to see young boys selling flowers by the roadside to earn extra money for the family.

The plight of these youngsters were highlighted back in 2016 when a photographer, Kenneth Panlilio, posted it on his social media account.

Ang ating buhay ay puno ng pagsubok na humuhubog sa ating pagkatao.

Ito na rin ang nagbibigay sa atin ng karanasan para subukin ang ating determinasyon, at pasensya. Bagamat may mga taong sadyang pinanganak na may gintong kutsara sa kanilang mga bibig, may mga bata naman ipinanganak sa pamilyang isang kahig isang tuka. Sa murang edad, ang mga batang ito ay nakakaranas na ng hagupit ng buhay.

Sa siyudad ng Maynila, marami na tayong nakikitang mga batang lansangan, ang iba’y nanlilimos at ang iba’y nagbebenta ng kung anu-ano para lamang may maipangkain sa araw-araw.

Kinakailangan nilang kumayod sa murang edad para makatulong sa pamilya. Maliban pa rito, kailangan rin nilang kumayod para sa kanilang pag-aaral. Alam nating mahirap ang mag-aral lalo na kapag medyo lugmok ang inyong pamilya sa kahirapan

Ito ang nakunan ni Kenneth Panlilio, isang photographer, sa kahabaan ng footbridge sa Maynila. Nakunan niya ng litrato si Melvin Mendoza, isang 9-taong-gulang na bata na nagtitinda ng sampaguita sa footbridge.

Bagamat normal lamang itong pangitain, isa sa mga nakapukaw ng pansin ni Kenneth ay ang ginagawa ni Melvin habang nagbebenta ng sampaguita: nag-aaral at nagbabasa ng libro.

Ayon kay Melvin, araw-araw siyang bumabyahe patungong North Edsa mula Munoz pag uwi niya ng kanilang bahay galing eskwela para magbenta ng sampaguita. Maliban pa rito, hindi na rin siya nakapag-hapunan dahil kailangang maubos ang kaniyang paninda.

Nasa kulungan ang kanilang ama kung kaya’t kailangan nila ni Marlon, kaniyang kuya, na tumulong sa kanyang ina para matustusan ang kanilang pangangailangan.

Inaabot ang magkapatid ng hatinggabi para maubos ang kanilang paninda at may makain sila kinabukasan at para may pambaon sila sa eskwela.

Mabuti na lamang at may mga magaganda loob na nagbibigay sa kanila ng pagkain at pera kapag nakikita sila. Sinabi rin ng kanilang mga guro mula sa San Antonio Elementary School na magaling at determinado ng makapagtapos ang magkapatid sa pag-aaral nila. Kinagulat rin ng mga guro nila nang malaman nilang ganito pala ang sitwasyon ng magkapatid tuwing matatapos ang eskwela.

Mahirap man, pero kinakaya ng magkapatid pagsabayin ang pag-aaral at pagtulong sa magulang. Sinabi ng kanilang ina na hipag niya ang nagturo sa kaniya na gumawa ng sampaguita at magbenta nito. Masisipag rin ang kanyang mga anak dahil kahit hindi na siya humihingi ng tulong ay sila pa rin ang pagkukusa ng tumulong sa kanya.

Kaya naman para sa mga kabataan ngayon na medyo nakaka luwag-luwag sa buhay, pagsikapan niyong makapagtapos ng pag-aaral dahil kung sila nga na hikahos nakakaya, kayo pa kaya.

Read also:

Batang nagtitinda ng sampaguita, nakatulog sa tabing-kalsada habang nag aaral!

Isang batang lalaki na nagtitinda ng Sampaguita pagkatapos nang kaniyang klase ang nakita ng isang netizen na natutulog sa lugar kung saan siya nag-aaral.

Maraming mga netizen ang talaga namang namangha sa kaniyang pinakitang dedikasyon sa kaniyang pag-aaral at umaasang sana ay maimpluwensiyahan din niya ang ilan pang mga kabataang Pilipino na magsumikap din sa kanilang pag-aaral.

Isang netizen na nakilala bilang si Sha Lim Pua ang nagbahagi ng larawan ng bata na ito sa isang simbahan sa Lipa, Batangas. Narito ang kaniyang caption sa larawan na ibinahagi niya sa Facebook:
“Sana malayo marating mo baby boy. Sana maging inspirasyon to sa mga kabataan. Sana may magbigay sa kaniya ng scholarship.”

Kumalat at naging usap-usapan sa mundo ng social media ang larawan ng batang lalaki na ito kasabay ng maraming mga netizen na sumasang-ayon sa kaniya na marapat ngang hangaan ang batang ito. Talaga namang malinaw ang nais ipakita ng larawan na ito sa maraming mga tao.

Hindi hadlang ang kahirapan upang hindi tayo magsumikap sa ating pag-aaral. Ito nga ay maaari pang maging karagdagang inspirasyon para sa atin upang mas magsumikap sa buhay upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

Sa ating mundo sa ngayon kung saan maraming mga estudyante ang walang humpay sa pagrereklamo sa maraming mga bagay kagaya na lamang ng hindi pagpayag ng kanilang mga magulang na makabili sila ng mamahaling mga bag, sapatos, o gamit ay talaga namang nakakatuwa na kahit papaano ay makasaksi pa ng mga ganitong uri ng bata sa panahon ngayon.

Maraming mga netizen ang talaga namang humanga sa bata at nakakasiguro na magkakaroon siya ng magandang kinabukasan dahil sa alam niya ang kaniyang mga prayoridad, ang kaniyang pag-aaral kahit pa nagtitinda na siya ng mga Sampaguita.

Marami pa ngang mga netizen ang nagbahagi ng kani-kanilang mga komento patungkol sa kamangha-manghang bata na ito na pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit pa nga kulang sila sa tulog, pagod o gutom na.