Misis na may “Rare skin condition”, ibinahagi ang Kwento ng Pag-iibigan nilang Mag-asawa na nagsilbing Inspirasyon sa mga Mambabasa.

Misis na may “Rare skin condition”, ibinahagi ang Kwento ng Pag-iibigan nilang Mag-asawa na nagsilbing Inspirasyon sa mga Mambabasa.

Di maiiwasang may mga taong mapanghusga sa kanilang kapwa, at kung iisipin mo ang kanilang mga sinasabi mas lalo ka lamang masasaktan. Kadalasan na nagbibigay komento ang mga tao ay sa buhay pag-ibig ng kanilang mga kakilala.

Ito ay ma pisikal na kaanyuan, agwat ng edad, at estado ng dalawang taong nagmamahalan. Kahit alin man diyan ang iyong maging sitwasyon, tiyak na may masasabi ang mga tao na nasa paligid mo.

Katulad na lamang sa sinapit ng magkasintahan na ito kung saan ay naging usap-usapan sila sa social media. Ang babae ay kinilala kay Karine de Souza na mula sa Fortaleza, Brazil at nagkaroon ito ng sakit na kung tawagin ay “Xeroderma Pigmentosum” na isang “rare skin condition” na nagsimula ng siya ay 3 taon.

Hinding-hindi siya maaaring ma-expose sa “ultraviolet rays” dahil sa napakataas ng posibilidad na magkaroon siya ng “skin canc3r”. Kulang kasi ang kaniyang katawan sa DNA system na tumutulong sa pagsasaayos ng kaniyang balat.Ibinahagi niya ang kaniyang kwento sa viral YouTube video na pinamagatang “Born Different”. Ayon sa kaniya, madalas siyang kutyain, husgahan at titigan ng maraming mga tao dahil sa kaniyang panlabas na anyo.

Masakit para sa kanya dahil maraming tao ang umiiwas na mapalapit sa kanya  dahil sa takot na mahawa ng kaniyang sakit sa balat. Sa kabila ng lahat ng panghuhusga sa kaniya ng mga tao sa kaniyang paligid ay nakilala niya ang kaniyang mister na  si Edmilson taong 2017.

Agad na napamahal siya sa dalaga dahil sa pambihirang kwento nito at sa kaniyang kalakasan bilang isang indibidwal. Buhat ng magsimula silang mag-date ay madalas na silang magbahagi ng kanilang mga larawan online.

Naging tampulan ito ng tukso at marami rin ang nagduda sa pagiging tapat ni Edmilson kay Karine. Sa ngayon ay tatlong taon na silang kasal at hindi nila pinagsisisihan na minahal nila ang isa’t-isa.

Para naman kay Edmilson, nais niyang nasa tabi siya palagi ng kaniyang asawa at plano niya ring makasama ito sa marami pang mga bagay, maulap man o maulan ang panahon. Isa itong patunay na kahit ano man ang pisikan na kaanyuan ng isang tao, may nakalaan talaga na para sa iyo at tanggap ka ng buong-buo.