Motivational speaker na si Rendon Labador, nagbigay ng mensahe sa “Historical tsismis” ni Ella Cruz!

Motivational speaker na si Rendon Labador, nagbigay ng mensahe sa “Historical tsismis” ni Ella Cruz!

Viral pa din hanggang ngayon ang pahayag ng aktres na si Ella Cruz, nang ihambing niya ang history sa tsismis.

Inulan ng batikos si Ella  dahil sa paghahalintulad niya sa “history” na para lamang daw itong “tsismis”. Na posibleng may dagdag-bawas kapag napapakalat sa mga tao.

Mariing inalmahan ito ng netizens na nagpaalala kay Ella na malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Dahil ang history ay based on facts habang ang tsismis ay walang lehitimong katibayan.

Nag-ugat ito sa pahayag ni Ella sa quote card na inilathala ng The Philippine Star noong Sabado ng hapon, Hulyo 2, 2022.

Tinanong si Ella kung ano ang aral na natutunan niya bilang bahagi ng cast ng Maid in Malacañang. Si Ella ay gumanap bilang Irene Marcos, isa sa mga anak ni Marcos Sr.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad ni Ella sa panayam.

Hindi pinalampas ng netizens ang anila’y maling depinisyon ni Ella ng “history” na hindi raw kailanman magiging “tsismis” lang.

Isa din sa nagbigay ng kanyang opinyon ukol dito ay ang self proclaimed ‘Motivational Speaker’ na si Rendon Labador.

Ani Rendon, “Ibig sabihin pala lahat ng natutunan namin sa buong buhay naimn tsismis lang pala? Disrespectful yan masayado sa mga guro natin. Dapat sayo sinasampal di para magising ka sa katotohanan.”

Sa caption naman ng kanyang Facebook post saad pa nito, “Mas malala ito sa 10K issue. Biro mo tsismiss lang pala ang kasaysayan natin.”