Nahabag ang maraming netizen sa isang lola na makikitang nag ta-trabaho bilang isang kargador sa palengke, isang contern citizen ang kumuha ng ilang mga larawan ng isang matanda, habang ito’y nag bubuhat ng mga mabibigat na bagay papasok sa loob ng palengke.

Saad ng concern citizen sa kaniyang post “Kawawa naman si nanay sa kabila ng kaniyang edad ay pinipilit parin nitong kumayod sa araw-araw para lamang kumita ng pera imbis na sana’y nasa bahay nalamang ito nag papahinga ay narito siya sa palengke nagbubuhat ng mabibigat upang magkaroon ng kaunting kita”

Sa post ng netizen ay maraming nahabag sa katayuan ng matanda, saad nila “Grabe naman bakit pinapayagan pa si lola na magbuhat ng mabibigat nasaan naba ang pamilya ni lola, bakit pinapayagan yan na mag trabaho sa palengke.”

“Ganyan na siguro kahirap ang mundo kung kaya’t pati ang mga matatanda na dapat ay nasa bahay nalamang ay napipilitan nalamang mag hanap buhay para kumita ng pera sana’y matulungan si nanay kawawa naman”

“Marahil sa hirap ng buhay kung kaya yan nagagawa ni nanay pagpalain ka nanay at sana’y hindi ka magkaroon ng sakit patibayin po kayo ng puong may kapal”