Sa hirap ng buhay ay kailangan natin ng doble kayod na paghahanap-buhay. Lalo na sa panahon ngayon na mas marami ang nawalan ng trabaho dahil sa kumakalat na sakit sa buong mundo.

Ang mga simpleng mamamayan ay kailangang magtiis sa hirap ng trabaho upang mayroong maipakain sa kanilang pamilya.

Tulad na lamang ng isang amang nahilo at nahimatay habang naglalako ng kanyang paninda at karga karga ang anak.

Ayon sa post ng Facebook page na “Hanep TV”, marahil ay sobrang pagod at gutom ang naramdaman ng ama kaya ito nahilo at nahimatay.

Mabuti na lamang at may mga concerned citizens na nakakita sa lalaki kaya agad itong natulungan.

“habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan,” ayon sa post.

Dagdag pa sa post, may sakit umano ang asawa nito kaya siya na lamang ang nakakapagtrabaho at nag-aalaga sa kanilang anak.

Sa ngayon ay umabot na sa 56k reactions at 43k shares ang nasabing post.

Narito ang buong post:

“Naiyak ako dito kay kuya, habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan, kasa-kasama nya anak nya, sya lang nagtataguyod sa anak nya, may sakit daw po asawa kaya todo kayod sya.. kahit anong hirap daw ng buhay hindi nya pababayaan asawa’t anak nya, itataguyod nya sa marangal na paraan.. Saludo kami sa’yo kuya, pagpalain ka ng Poong may kapal dahilsa ginagawa mong sakripisyo sa pamilya mo..”

Read also:

Isang batang lalaki na yakap ng mahigpit ang alagang aso habang natutulog sa kalye

Hanggang ngayon ay patuloy pa din na dumadami ang mga bata na inaabandona ng kanilang mga magulang o hindi kaya ay ipinanganak talaga na mah…

Dumarami na ang mga batang inaaband0na o hindi kaya man ay ipinanganak talagang mahirap kaya walang ibang magawa kung hindi matulog na lamang sa lansangan.

Napakapalad ng mga batang mayroon pamilyang inuuwian at malambot na kamang tinutulugan.

Nakakadurøg ng püso ang mga larawang ibinahagi ng netizen na si Jem Villomo sa kaniyang Facebook Account na kung saan makikita ang isang batang yakap yakap ng mahigpit ang kaniyang alagang aso habang natutulog sa tabing daan sa EDSA Shaw Boulevard Starmall ng walang kumot at unan.

Ngunit litrato lang ang nakuha ng netizen na si Jem. Ang bata ay walang pagkakakilanlan kahit man lang pangalan.

Hindi din alam ang buong istorya kung bakit sa lansangan lamang siya natutulog at kung mayroon pa din ba siyang pamilya.

Madaming mga nagkomento na nais magbigay ng tulong ngunit walang sapat na impormasyon upang direktang matulungan ang bata.

Hiling ng iba na sana ay aksyunan ito ng DSWD upang malagay sa komportableng tutuluyan ang bata. Kung mayroon mang pamilya, nawa ay makita nila.

Sa kabilang banda, madami ding netizens ang nagalit sa magulang ng batang ito na hinayaan ang isang inosenteng batang mamuhay sa daan.

Gayun pa man, kitang kita naman sa bata at sa kaniyang kasamang alaga na sapat na sila para sa isa’t isa. Tunay nga na ang mga alaga natin ay isa na ding pamilya.

Read also:

Makatulong lang sa magulang, Batang nag lalako ng kabute kahit tirik ang araw

Dahil sa hirap ng buhay kahit bata nag hahanap ng pag kakakitaan hindi na nila iniisip pa mag laro bagkus makatulong sa magulang .

Imbes na naglalaro kasama ang ibang mga bata, tinitiis ng 10 taong gulang na batang ito ang mainit na araw sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng mga motoristang nais bumili ng kanyang mga panindang kabute.

Naging parte na ng kabataan ng mga lokal sa Cordillera ang mangolekta ng mga kabute o mushroom na kung tawagin nila ay bo-o.

Ito ay mga organic mushrooms na binibili rin ng kanilang kapwa mga lokal dahil sa health benefits na hatid nito.

Kung kayat ang batang si Jessie Almoza ay matiyagang naghihintay sa gilid ng kalsada na may motoristang dumaan upang bumili ng kanyang mga paninda.

Sa unang tingin ay akala mo ay tila isang batang nagpapahinga lang sa maliit na ginawang silong na ito.

Ngunit kung maririnig siya ay sinisigaw niya ang kanyang paninda na kung tawagin nila ay “bo-o.”

Sa kanyang maliit na pwesto ay doon siya naghihintay na may bumili kahit na tirik at mainit ang araw. Ang kanyang munting silong ay nasa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet.

Habang wala pang pasok sa eskwela dahil sa dulot ng ραndεmүα ay tulong na rin ito ni Jessie sa kanyang pamilya. Ang mga kinikita ni Jessie sa pagtitinda ng kabute ay kanya ring iniipon sa isang plastic na bote para sa mga gagastusin niya kapag bumalik na siya sa pag-aaral.

Ang mga magulang niya ay wala namang permanenteng trabaho.

Ang tatay nito ay nα-ιstrσkε at ang kanyang ina at kapatid ay maagang gumigising upang umakyat ng bundok para mangolekta ng mga kabute na siya namang ititinda ni Jessie.

Ito ang pangunahing kabuhayan ng kanilang pamilya. Kung kayat ganito na rin ka-determinadong magtinda ang grade 4 student na ito.

Dahil bukod sa ito ang nakakapagtawid sa kanyang pag-aaral ay ito na rin ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Hinangaan naman ng mga netizens ang pagiging madiskarte at masipag ni Jessie sa murang edad pa lamang.

Kahit bata pa lamang siya ay tumutulong na siya sa kanyang pamilya at nag-iipon para na rin sa kanyang kinabukasan.