Nanay na nagluto ng Sardinas na may misua, hindi kinaen ng anak dahil hindi raw masarap


Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, isa sa mga pangunahing sinisigurado ng mga magulang ay ang makapaghain ng mga masustansiyang pagkain na ating pagsasaluhan sa hapag kainan. Bukod sa hindi madali ang mag badget, isa ring palaisipan kung anong luto ng ulam ang kakainin sa araw-araw.

Kaya sana ang mga ginagawa ng ating mga magulang ay bigyan natin ng halaga at huwag nang tumulad sa isang anak na ito. Mula sa Facebook post ni AmbonTV John, kanyang ibinahagi na naabutan niya ang kanyang ina na tila balisa at kumakain mag-isa. Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit wala siyang kasabay kumain at kung bakit ito malungkot. Sumagot naman ang kaniyang ina na hindi raw kasi nagustuhan ng kanyang kapatid ang niluto niyang ulam.

Sablay! Dahil malapot daw at walang sabaw. Imbes na magbigay pasasalamat at pagpapahalaga sa ina ay hindi kumain ang kapatid ni AmbonTV John. Kahit sinong indibidwal naman ay makakaramdam ng lungkot at pagkainsulti kung ganito ang gagawin sayo matapos mo nang bigyan ng oras ang paghahanda ng pagkain na mailalatag sa hapag-kainan. Kaya naman kahit hindi pa raw nagugutom ang nag kwento na si AmbonTV John ay agad naman itong kumuha ng plato at sinabayan ang ina sa pagkain.

Kanyang sinaluhan ang ina sa pagkain ng kanyang nilutong sardinas na may misua para maipakita na kanyang na-aappreciate ang inihain nito. Sabay bigkas ng “masarap naman ang luto mo ma eh!”. Dahil sa kanyang sinabi napangiti na ang ina ni John at napawi na ang lungkot nito. Paalala niya na mahalin at bigyang pahalaga natin ang ating mga magulang habang sila ay kasama pa natin.

Maswerte ang mga taong nakakaranas o nakaranas ng pag-aalaga ng isang nanay o tatay. Libo-libong netizens ay sumang-ayon at ikinatuwa ang ipinakitang pagpapahalaga at pagmamahal ni John sa kanyang butihing ina.