Nanay nagbabala sa mga kapwa niya ina, matapos ang pangyayari itong sa kanyang anak sa isang mall

Nanay nagbabala sa mga kapwa niya ina, matapos ang pangyayari itong sa kanyang anak sa isang mall

Labis-labis ang pangamba ng isang ina na nagbahagi ng kanyang karanasan sa sinapit ng kanyang anak ng sila ay magtungo sa isang mall sa bandang Quezon City. Kaya naman agad nakapukaw ng atensyon sa socmed ang post niya para na rin mabigyan babala ang ilang magulang na may kasamang bata tuwing nagpupunta ng mall at gumagamit ng escalator upang umakyat baba dito.

Ayon sa kwento ni Paula Bandola-Mohamed sa kanyang facebook post, hindi nito sukat akalain na ang sitwasyon na kanilang kinakaharap ay sila mismo ang makakaranas. Ayon kay Paula sa socmed nya lamang nakikita ang ganitong pangyayari.

Ang kwento ni Mommy Paula ay kasama nito ang kanyang anak na si Amarah sa isang mall kung saan sumakay ang mga ito sa escalator ng biglang maipit ang paa ng bata, laking gulat niya sa biglaang pangyayari na kung tutuusin ay wala pang ilang segundo ang lumipas. Mabuti na lamang ay nasa kalagitnaan pa lamang sila ng escalator ng mangyari ito.

Kung umabot sa dulo malamang putol na o mas malala pa ang aabutin pinsala ng kanyang anak. Agad naman na nalunasan ang bata sa tinamo nito, may pamumuo ng dugo at pamamaga sa paa ng nasabing bata. Sambit pa ng ina ni Amarah maaaring nacurious ang bata sa brush na nakadikit sa escalator kaya idinikit nito ang paa sa nasabing brush. Nasanay na diumano ang bata sa isang mall na madalas din nilang puntahan, na walang brush sa ibabang bahagi ng escalator.

Kaya naman sa pangyayaring ito nagbigay ng paalala si Mommy Paula para naman maging aware ang ibang mommy o magulang sa tuwing may kasama itong mga bata at umaakyat sa nasabing hagdanan ay kung maaaring tingnan tingnan ang mga ito.

Narito ang buong kwento ni Mommy Paula Mohamed patungkol sa pangyayaring kanilang naengkwentro;

Akala ko sa Facebook posts ko lang makikita ung ganitong eksena.
Nangyari na nga kay Amirah. Wala pang ilang segundo akong nakalingat sa paa nya. Ito na ang nagyari. Nacurious cguro kasi may brush ung ESCALATOR sa SM north sanay sya sa ever gotesco walang brush eh kita agad ung gilid.

Di ko maimagine pano kapag malapit na sa end ung pagkakaipit nya My God putol na sana paa nya buti nalang sa may kalagitnaan pa. Mga namuong dugo sa daliri at pamamaga ng bahagya lang ang natamo nya. Di ko na maimagine pano kung mas malala pa.
Mas magiging aware na ako sa escalator kapag may kasama akong bata more than ever.
Please share. Para aware din ung ibang mommies. Nakakabaliw ung experience. Lalo na para sa bata.

Nawa’y magsilbing aral din sa lahat ang pagbabahaging ito ni Mommy Paula.