Napakaganda ng batikang aktres na si Gloria Romero noong kaniyang kabataan

Napakaganda ng batikang aktres na si Gloria Romero noong kaniyang kabataan

Marami tayong mga kilalang mga artista sa panahon ngayon na ubod ng ganda at guwapo. Ubod ng galing rin ang mga ito sa pagkanta, pa-arte, at pagsayaw. Tulad lang din ng mga unang nakilalang artista sa larangan ng Philippine Cinema.


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram

Siguro naman ay kilalang kilala natin ang mga ito dahil sa kanilang pinakitang galing simula ng makita sila sa harap ng telebisyon.

Tanungin man natin ang ating mga lolo at lola ay kahit sila ay nabighani sa kanilang mga obra noon at magpahanggang sa ngayon ay kanila pa din itong patuloy na hinahangaan. Tulad na lamang ng isa sa mga batikang aktres na si Gloria Romero at tinaguriang living legacy ng Pelikulang Pilipino at telebisyon.


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram

Madami sa ating mga 90’s kids ay kilalang-kilala si Gloria Romero dahil sa kanyang mga ginampanan na mga role na hindi natin malilimutan tulad ng sa pelikulang tanging yaman. Madami na ito pinaiyak dahil sa galing niya umarte. Ngunit naitanong mo ba sa sarili mo kung gaano nga ba kaganda ang ating idolo na si Gloria Romero noong dalaga pa?


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram

Ang batikang aktres ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1933. Sa kanyang kagandahan noon at magpahanggang sa ngayon ay hindi mo aakalain na siya ay may dugong Pilipino.


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram

Ang kanyang ama ay isang purong Pilipino na nagngangalang Pedro Galla samantala ang kanyang ina naman ay isang Spanish American na nagngangalang Mary Borrego Miller.


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram

Una siyang nakita sa isang pelikula sa ilalim ng pamumuno ng Premiere Production at makalaunan ay lumipat sa Sampaguita Pictures na kung saan dito din nanggaling ang ibang magagaling at kilala ding artista tulad ni Eddie Garcia.


Photo Courtesy: Gloria Romero | Instagram

Kitang-kita sa mga litrato ang sobrang kagandahan na mayroon ang batikang aktres at kitang kita pa din ang bakas ng kagandahan na ito kahit na siya ay 87 taong gulang na. Kasalukuyang malusog at malakas pa din ito at kayang kaya pa din gampanan ang mga roles na ibinibigay sa kanya.