Nathalie Hart, Engaged Na Sa Kaniyang Non-showbiz Boyfriend Na Si Brad Robert!

Nathalie Hart, Engaged Na Sa Kaniyang Non-showbiz Boyfriend Na Si Brad Robert!

Matapos ang ilang taong pagiging single mom ay muling nakahanap ng tunay na pag-ibig ang aktres na si Nathalie Hart sa piling ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Brad Robert. Matagal ring inilihim ng aktres ang relasyon nila ni Brad ay ngayon nga na handa na sila sa panibagong yugto ng kanilang relasyon ay masaya niyang isinapubliko ang ilang detalye ng kanilang engagement.

Nathalie Hart Instagram

Nangyari ang romantic engagement noong August 10 sa Mirèio restaurant in Raffles, Makati City at naging mala-fairy tale ang setup ng lugar na napapaligiran ng napakaraming red-roses. Samantala, mala-prinsesa naman ang dating ni Nathalie sa kaniyang white laced dress na talaga namang elegante ang dating.

“Felt like a princess for a day.”, caption ng aktres sa ibinahaging Instagram photos.

Nathalie Hart Instagram

Sa mga larawang inilibas ng Nice Print Photography ay makikita kung gaano kasaya si Nathalie habang nakaluhod si Brad at iniaabot sa kaniya ang diamond engagement ring na simbolo ng isang pangako. Nakakakilig talaga ang nasabing tagpo at kahit ang mga netizens ay hindi mapigilang mapangiti sa magandang nangyari sa buhay ng aktres.

Nathalie Hart Instagram

Sunod-sunod ang pagbati na natanggap ng dalawa mula sa kanilang mga kabigan sa showbiz industry tulad nalang nina Regine Tolentino, Maui Taylor, Ana Jalandoni, Ryza Cenon, Coleen Garcia, at Phoebe Walker.

Samantala, matapos ang engagement proposal ay nagtuloy ang dalawa sa kauna-unahan nilang sayaw bilang soon-to-be married couple at sinundan din ito ng isang romantic candlelight dinner na kasama rin sa setup ng Mirèio restaurant.

Nathalie Hart Instagram

“Second chapter: I said yes!”, dagdag pa ni Nathalie.

Excited na ngayon ang aktres sa panibagong yugto ng kaniyang buhay kasama si Brad at Penelope, ang anak niya sa dating partner na si Mayank Sharma, isang Indian businessman. Samantala, marami naman ang nag-aabang kung saan at kailan mangyayari ang engrandeng kasal ng dalawa.

Nathalie Hart Instagram

Si Nathalie Hart ay isa sa mga aktres sa ating bansa na kinilala ang angking talento pagdating sa pag-arte at napasama nga sa mga kilalang pelikula tulad ng Siphayo, Sin Island, Abay Babes, and television series Second Chances, The Blood Sisters, and Pamilya Ko.