Nawawalang Dalaga na si Jovelyn Galleno, Kalansay na ng matagpuan ng mga pulis

Nawawalang Dalaga na si Jovelyn Galleno, Kalansay na ng matagpuan ng mga pulis

Sa latest update ni Councilor Elgin Robert Domasco , pinaniniwalaan na baka nga katawan ni Jovelyn Galleno ang nakitang bangkay sa Brgy.Sta.Lourdes, Puerto Princessa matapos makumpiska ang ilang gamit at dokumento na pagmamay-ari ni Jovelyn .

Ngayon dipa matukoy ng mga awtoridad kung si Jovelyn nga ito lalo’t ang bangkay nasa stage of decomposition na at kina kailangan pa isailalim sa DNA test.

Sa ngayon dalawa ang suspect sa pagkamatay ni Jovelyn ito’y parehong pinsang buo ng biktima, Umamin na ang isa sa kanila at ayon sa kanya inabangan, ginahasa bago pinatay ang pinsan nila.

Ang mga gamit na nakuha malapit sa kalansay na natagpuan ay pagmamay-ari ni Jovelyn base rin ito sa kumpermasyon ng pamilya ng biktima.

Umamin na ang isa sa mga suspek sa pagpatay at panggagahasa sa dalagang si Jovelyn Galleno na unang napaulat na nawawala.

Kinilala ang suspek na si Leobert Dasmariñas kung saan tinukoy pa nito ang isa pa nyang kasama nang mangyari ang krimen na si Jovert Valdestamon.

Ang dalawang suspek ay napagalaman pang pinsang buo ng dalaga. Kwento nito, planado nila ang krimen kung saan inabangan nila ang pag-uwi ng kanilang pinsang si Jovelyn noong August 5 sa Brgy. Sta. Lourdes.

Nang makababa na umano ng multicab ang dalaga ay dito nya na ito sinundan habang ang isa pang suspek ay nakaabang na sa unahan.

Nang makatiyak na ang mga ito na wala nang tao sa paligid ay dito na umano hinatak ang dalaga at dinala sa magubat na bahagi ng lugar. Iginiit naman ni Dasmariñas na nagsilbi lang syang look out habang ginagasa umano ni Valdestamon si Jovelyn.

Makalipas umano ang ilang oras ay lumapit na ito sa kasama at dito nya na nakita ang walang buhay na dalaga. Samantala, madaling araw ng Martes, August 23, 2022, ay itinuro ni Dasmariñas ang lugar kung saan nila inabandona ang bangkay ng dalaga kung saan bungo at mga kalansay na ang tumambad sa mga otoridad.