Negosyante at Vlogger na si Viy Cortez, tagumpay ang panganganak sa una nilang baby ni Cong TV!


Nanganak na ang vlogger at businesswoman na si Viy Cortez sa panganay nila ng partner niyang si Cong TV.

Ngayong araw, July 5, ipinanganak na ni Viy via C-section si baby Kidlat.

Ilang larawan ang ibinahagi ng Viyline Media Group ang nagpapakita na successful ang naging delivery ng sikat na vlogger.

Sa unang larawan makikitang nakahiga na sa hospital bed si Viy. Kasama ang hospital staffs at doktor pasakay ng elevator.

Sa sumunod naman na larawan ay ipinasilip naman nila na finally ay nasa outside world na si Baby Kidlat. Ngunit tanging kamay lang nito ang nasa litrato.

Kapansin pansin na malusog din si baby Kidlat dahil napaka cute ng mataba nitong braso.

Samantala, bago sumalang sa C-section si Viy ay nagpost din si Cong ng kanyang larawan.

Nakangiti ang vlogger na halatang kinakabahan. Aniya sa caption, “Hi Kidlat! Ready na si Daddy! Galingan niyo ni Mommy!”

Napakasaya naman ng milyon milyong followers ng couple vlogger.

Mula kasi ng ipinagbuntis ni Viy ang panganay nila ni Cong na pinangalanan nilang Zeus Emmanuel ay nakasubaybay na ang kanilang mga fans.

Bumuhos nga ng congratulatory message sa mga naturang post.

At lahat din sila ay excited na makita kung sino nga ba ang kamukha ni Baby Kidlat.