Netizen dismayado sa First Day of Class ng kanyang pamangkin, matapos sabihan ng guro ng “B0B0 at Hayup”

Netizen dismayado sa First Day of Class ng kanyang pamangkin, matapos sabihan ng guro ng “B0B0 at Hayup”

Hindi napigilan na mag labas ng saloobin ang isang netizen na si Jeannie Vargas sa kanyang social media account ito ay matapos pumasok sa klase ang kanyang pamangkin sa unang araw ng pasukan (face to face classes)

Na talagang ikinasabik ng lahat maging ang mga batang mag-aarl. Ngunit hindi naging maganda ang unang araw ng klase ng batang nag-aaral sa ikalimang baitang (Grade 5).

Matapos kasing pagsabihan ng kanyang guro na siya ay “B0B0” at “Hayop” sa kadahilnang mabagal umano mag-sulat ang bata at nahihirapang makaintindi sa lesson.


Saad ng netizen umuwing umiiyak ang kanyang pamangkin galing sa school at sinabing sinabihan siya ng hindi magandang salita mula sa kanyang guro.

Saad ng netizen sa kanyang pamangkin na isulat sa papel kung ano ang kanyang sinabi sa kanyang guro kung bakit ito nagalit, at isulat rin kung ano ang sinabi ng kanyang guro.

Laking gulat ng netizen nang mabasa ang isinulat ng kanyang pamangkin. Dahil dito ay hindi na napigilan pa ni Jeannie na maglabas ng saloobin sa kanyang social media.


Narito ang kanyang buong post:

Posting for awareness and as a reminder, especially to teachers and parents, dahil gigil na gigil talaga ako today dahil sa nangyari sa pamangkin ko ๐Ÿ™๐Ÿป

First day of school ng pamangkin ko ngayon, tapos ito yung nangyari agad sa kanya. Graduate din po ako sa elementary school kung saan sya ngayon, pero grabe, sobra naman tong teacher na to. Sobrang excited ng pamangkin ko pumasok dahil first day at first time ulit na face-to-face classes, tapos ito maexperience nya agad. Nakakalungkot, guys ๐Ÿ˜”๐Ÿ’”

Grade 5 lang pamangkin ko. Pagkagaling sa school, iyak ng iyak. Sa sobrang hindi maexplain nangyari sa school, sinulat na lang nya para lang masabi sa nanay nya anong mga sinabi sa kanya ng teacher nya.

At sobrang nakakalungkot at nakakasakit ng puso tong nababasa ko na sinulat nya ๐Ÿ’”

Pano mong nasasabi mga gantong bagay sa isang 10-year old sa pinakaunang araw ng pasukan nila? Kung hindi po masaya sa pagiging guro sa mga bata, hanap na lang po ng ibang career. Wag nyong idamay mga estudyante na sumusubok pa lang lumaban sa buhay.

Hindi ako yung nakaexperience pero ramdam ko yung trauma ng pamangkin ko ngayon. Hindi man pisikal, pero pinakamasakit yung maririnig mo yung mga ganitong salita sa tao na dapat nga nagtuturo sayo ng tamang asal sa labas. Yung ineexpect mo na bilang magulang, paglabas ng bahay, yung teacher yung katuwang mo sana humubog ng bata sa labas, tapos ito yung maririnig nila?

Haaay, please po, teachers, let’s do better.

Alam ko hindi lahat ganito. At saludo po tayo sa lahat ng guro na ginagampanan ng maayos ang trabaho nila. Pero, sa iba po, wag sanang ganito.

Sa US, tumataas ang rate ng mga batang nagssu!c1de as young as 10 years old dahil sa mga estudyante na bully sa school, tapos mababalitaan mo teacher mismo yung bully? ๐Ÿ’”

Hindi po dahil bata o dahil nasa public school, pwede nyo ng ibully ng ganyan. Mali po kayo ng nabully na bata today. At sa mga parents naman, let’s check on our kids pagkagaling sa school. Minsan, baka tahimik lang pero sobra na palang pambubully ang nakukuha sa school. At lalong wag po tayong matakot to stand up for our kids. Pag nakikita nila na kaya natin silang ipaglaban sa mga taong mali, matututo rin silang ipaglaban mga sarili nila balang araw.

Ako, tita lang po ako ng batang to, and I’m also a mom, nasa isip ko, ilang bata pa ibubully nitong teacher na to? Antayin pa ba na may masira na bata mentally, and emotionally na mas malala bago may gawin sa mga ganitong klaseng teacher?

Hindi nyo po deserve ang lisensya na dapat sa ibang tao na mas may malasakit sa mga bata.

Take note, yung “b0bo” daw ng sinabi sa kanya, pabulong. Masyadong personal. Napakatalino ng pamangkin ko, laging honor student sa mga dati nyang school, kaya kung para po sa proteksyon ng ibang bata pa na magiging studyante ninyo, gagawin po namin lahat para di na kayo maging teacher ng iba pa.

Kakaawa pamangkin ko ngayon, ayaw na pumasok sa sobrang takot sa teacher na to