Netizen ipina-tattoo ang huling grocery list na ibinigay sa kanya ng kaniyang kapatid bago ito pumanaw

Netizen ipina-tattoo ang huling grocery list na ibinigay sa kanya ng kaniyang kapatid bago ito pumanaw

Isang nakaka-antig damdamin na video ang ibinahagi ng TikTok user na si Bejayy matapos niyang ipa-tattoo ang huling grocery list na ibinigay sa kaniya ng kaniyang nakababatang kapatid bago ito pumanaw.


“My youngest brother never failed to message me every payday. Bago pa ako makapagpadala, may sarili na siyang listahan of goods for his own,” kwento niya.

“Not until he died this June, this was the last grocery list he wrote, [a] few days before he passed away,” dagdag niya.


Makikita sa kaniyang tattoo ang aktwal na listahan ng mga pagkain at sulat ng kaniyang kapatid.
“I miss you my little brother. Be happy in paradise now,” mensahe naman ni Bejayy sa kaniyang kapatid.


Maraming netizen ang naantig sa kwentong ibinahaging ito ni Bejayy sa kanyang tiktok acc. saad ng ilang netizen sa komento


“Naiyak nman ako napaka swerte mo sa kapatid at ikaw din swerte din sya syo, may your little brother rest in paradise. He is forever happy in GOD’s hand”

“weeks when my brother died. he requested me to cook pancit lomi. and he wanted to ear spaghetti.”


“had a moon tatt bc the last song my grandma liked so much was buwan”