Netizen, nagulat sa itsura ng pagkakabalot ng kanyang order sa shopee


Sa panahon ngayon ay tila nga naman hindi na mapigilan ang pagsikat at pagbulusok pataas ng mga online shopping katulad na lamang ng Lazada, Shopee, Alibaba, Zalora at marami pang iba.

Dahil bukod sa mura ang presyo at hindi aksayado sa oras ay mas minabuti ng karamihan na mamili na lamang sa online shopping.

Halos lahat na kasi ng pangangailangan ng tao ay maaari ng mabili sa online katulad ng mga pagkain, damit, sapatos, gadgets, kasangkapan sa bahay at marami pang iba.

Dahil dito ay patuloy ang pagtangkilik ng mga tao sa mga online shopping application na nabanggit.

Ganun pa man, viral naman sa social media ang post ng isang netizen kung saan ay nagulat siya sa pagkakabalot ng kanyang order sa online.

Kinaaliwan ng maraming netizen ang pagkakabalot ng kanyang oder dahil sa nakakatawa nitong korte at hugis.



Sa unang tingin ay tila nga naman isang pala-isipan ang laman ng kanyang order dahil sa pagkakabalot nito na hugis ari ng isang lalaki.

Sa kanyang post ay sinabi niya na ang kanyang inorder ay isa palang seedlings ng dwarf coconut.