Netizen nagulat sa nakitang uod, sa loob ng manok na binili sa bangketa

Netizen nagulat sa nakitang uod, sa loob ng manok na binili sa bangketa

Nagulantang ang isang netizen na si Ica Corvera Tuazon matapos makita ang laman ng prinitong manok na kanyang binili sa isang vendor.

Laking gulat niya nang makitaan ito ng malalaking uod, bagaman naluto na sa kumukulong mantika ay hindi parin maiwasan ng netizen na pandirihan ang mga ito

Lalo’t ito’y kanilang inihain sa hapagkainan upang kainin saad pa ng netizen sa kanyang social media post upang magbigay babala narin sa mga taong mahilig bumili ng mga lutong ulam sa labas ng kanilang mga tahanan

“Mag iingat po kayo sa mga manok na prito na binibili nyo sa tabi tabi! Kahit na sabihing patay na yung uod sa mantika eh uod parin yan jusko nakaka suka yung mga ganitong trabaho iniinit ng ilang araw na po ba ito?? ”

Dag-dag pa nito “Apat na piraso yung binili Yung dalawa sinimsim pa nung kapatid ko buti napansin nung buntis na kakain bago mahuli ang lahat Wag po tayo mag tipid kung kalusugan naman ang kapalit!”

Agad nag viral ang post ng netizen nasi Ica at umani ito ng samu’t saring reaksyon saad ng ilang netizen na nag komento patungkol sa post

“Karamihan sa mga ganyan eh pangatlong init nalang yung itindinda kahapon tapos hindi nabili tapos lulutuin ulit, nadapuan na ng mga langaw tapos yung mga itlog nun ayun yung nagiging uod, naluto man pero nakakadiri parin isipin na may ganyang kang nakain” -Netizen