Netizens, muling binalikan ang pang aalipusta ni Ms. Manila kay Herlene “Hipon” Budol noon, Herlene, 1st runner up sa Bb.Pilipinas


Labis ang pag pupunyagi ng mga netizens sa pagka panalo ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa nakalipas na Binibining Pilipinas 2022.

Hindi kasi inaasahan na hakot awards ang magiging eksena niya, at magiging first runner up pa siya! Marami rin ang na antig sa kaniyang pang malakasang sagot sa Q&A na sinisigurado ng marami na siyang nagpapanalo sa kaniya.

Q: “A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”

Itinagalog din ito ng host upang tiyak na maintindihan ng kandidata: “Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyong importante ang nangyari sa iyo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas.”

At ang sagot ni Budol: “Para sa ‘kin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan.

“Para sa ‘kin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible.

“Isa po akong komedyante na laki sa hirap, at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”

Pak na pak! Kung kaya naman hindi maiwasan ng netizens na balikan ang mga pagkakataon kung saan kinutya-kutya siya ni Ms. Manila sa isang episode ng Wowowin at tinawag siyang “squammy”

Matatandaan na minsan din itong sinabihan na hindi fit upang maging beauty queen dahil bukod sa wala itong class ay katawan lamang ang maganda dito.

Kaya naman tuloy ngayong bonggang-bongga ang success ni Herlene ay hinunting nila si Ms. Manila upang ipamukha sa kaniya na mas naging matagumpay ang komedyana kesa sa kaniya.

Kung maalala ay hindi naka abot ng finals si Ms. Manila noong Miss Universe Philippines 2021.

Proud na proud naman ang mga kapwa comedian kay Herlene, kabilang na si Vice na aminadong naiyak sa sagot ng dalaga.

“E ung naiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love u Herlene!”

“O diba!!! Ika nga ni Hipon from comedy to inspiration! Chozzz!!!”