“No Bag Day Challenge” Estudyante nagdala ng ataul mga kapwa mag-aaral at guro nagulantang

“No Bag Day Challenge” Estudyante nagdala ng ataul mga kapwa mag-aaral at guro nagulantang

Lumilikha ngayon ng ingay sa social media ang “No Bag Day Challenge” na kung saan sinimulan ito ng ilang mga guro sa iba’t-ibang mga paaralan sa public school.


Dahil sa muling pagbabalik ng face-to-face classes ay naisipan ng ilang mga guro na bigyan ng kakaibang challenge ang kani-kanilang mga estudyante.


Hindi naman nagpakabog ang mga mag-aaral na kung saan tinanggap nila ang hamon ng kanilang mga guro sa “No Bag Day Challenge” kaniya-kaniyang ideya sa pagdadala ng kani-kanilang mga bit-bit na kagamitan bilang gawing bag.


Ngunit tila may isang estudyante ang hindi nagpatalo sa mga ito. siya lang naman ang naglakas ng loob na magdala ng isang ataul sa loob ng klase na kung saan nagulantang ang maraming mag-aaral maging ang kanyang mga guro dahil masyado nitong sineryoso ang laban.


Maraming netizen naman ang natuwa sa pakulong ito ng mga guro at mayroon din namang hindi.

Saad ng ilang netizen na natuwa sa ganitong pakulo ng mga guro ay isa ito sa nakikitang paraan ng mga guro upang hindi mahiyang pumasok muli ang mga estudyante sa paaralan dahil sa mahigit dalawang taon natigil ang face-to-face classes.


May mga hindi naman sumang-ayon sa ganitong pakulo ng mga guro dahil aniya ay nakakaperwisyo ito sa mga magulang at nakakabahala ito dahil may mga mag-aaral ang hindi kanais-nais ang kanilang ginagawa sa “No Bag Day Challenge”