Ogie Diaz ngayon lang nalaman na may anak pala si Cherie Gil kay Leo Martinez

Ogie Diaz ngayon lang nalaman na may anak pala si Cherie Gil kay Leo Martinez

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog na ngayon lang niya nalaman na may anak pala si Cherie Gil kay Leo Martinez.

Aniya 35 years na raw siya sa showbiz ngunit hindi niya raw nalaman na si Jay Eigenmann, ang panganay ni Cherie ay anak pala ng nasabing aktor.

“At nito lang din natin nalaman, diyos ko ang tagal na natin sa showbiz 35 years na ‘ko. Nito ko lang nalaman na may anak pala si Cherie Gil kay sir Leo Martinez,” sabi ni Ogie

“Panganay nila ito si Jay Eigenmann na parang sa musika naman si Jay Eigenmann,” dagdag pa niya

Panoorin dito ang nasabing vlog ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi:

Samantala si Cherie ay pumanaw nito lamang August 5 sa edad na 59.

Marami celebrities at netizens ang nagdadalamhati sa pagpanaw sa isa sa pinakabigating artista ng Philippine Showbiz.