P1WD nag daos ng kaarawang mag-isa, sinorpresa ng jollibee crew at kinantahan ng Happy Birthday song!

P1WD nag daos ng kaarawang mag-isa, sinorpresa ng jollibee crew at kinantahan ng Happy Birthday song!

Naiyak ang isang customer nang sinurpresa siya ng mga crew at staff ng isang fastfood chain sa Cebu City.

Ayon sa uploader at branch head ng fastfood, oorder dapat ng longganisa meal ang babaeng customer pero hindi ito available kaya nalungkot ito. Inorder daw nila ang burger steak meal at agad namang pumayag ang babae.


Hiningi niya ang P1WD ID nito para sa discount. Doon niya nakitang kaarawan ng customer noong araw na iyon kaya naghanda sila ng surpresa para sa kanya.

Naikwento ng babae na mag-isa siyang kumain dahil pupunta siya sa ospital para magpa-insulin. Umani ng likes at heart reactions ang ginawa ng mga crew ng fastfood para sa babae.


“Minsan talaga sa stranger mo pa makukuha ang happiness mo. It will happen unexpectedly. Happy Birthday po God bless you God bless din s Jollibee crews”


“Happy birthday ma’am and good job Jollibee crew and also branch manager.. sana mag tuloytuloy Ang inyong kabutihan”


“Happy birthday sa iyo sis… Very good surprize.Jollibee..congratz.. Take good care of yourself… Birthday girl… GOD BLESS YOU”