Padyak para sa pangarap, Isang estudyante ang sakay ng kanyang unicycle bike

Padyak para sa pangarap, Isang estudyante ang sakay ng kanyang unicycle bike

Naantig ang damdamin ng mga netizens sa video na ibinahagi ni Jonathan Paa, kung saan makikita ang isang grade 7 na mag-aaral mula sa Bulacan na nagsisikap umuwi galing sa paaralan gamit ang isang unicycle.


Ayon kay Jonathan, araw-araw umano dumadaan ang bata malapit sa kanila. “Araw-araw dumadaan dito yan, may hawak pa na libro yan tsaka may bag pa, mahusay siyang mag-balanse,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, nakilala niya rin ang bata nang pinuntahan nila ito sa kaniyang bahay. Napag-alaman ni Jonathan na kaya raw ito gumagamit ng unicycle dahil walang pambili ang kanilang pamilya ng bisikleta.


“Wala raw po sila pambili ng bike, kaya kaysa mamasahe daw po siya pauwi, nagtitiis nalang po siya sa unicycle,” kwento niya, base sa naging usapan nila ng bata.

Hiling naman ni Jonathan ay matulungan ang bata dahil masipag umano itong mag-aral.”Sana matulungan yung bata kasi masipag siya mag-aral,” saad pa niya.


Dahil sa post na ito ng concern citizen ay maraming netizen ang naantig sa kwento ng batang mag-aaral

Saad ni Mhel D. Luena na siyang kapitbahay ng bata “Kapitbahay Po nmin sila masipag na Bata Po mga Yan Saka mababait Dala lang Po Ng kahirapan nila sa Pamumuhay kaya nagtyatyaga Po Ang mga Bata sila magkakapatid pumasok sa school na iyan Po Ang gamit nila .”

“Good job iha,naalala ko tuloy nung elementary,highschool at college ko lakad papunta school at pauwi.minsan sakay tricy kapag umuulan at pag may sapat na pamasahe”

“Malayong malayo mararating ng Batang ito, Diyos na ang bahalang mag kaloob ng anuman Pangarap mo sa Buhay, ibang klaseng pag Susumikap meron ito nakaka bless”‘

“Nakakahanga n bata na nagsisikap paano pumasok ng paaralan na hindi kailangan additional pa ang pamasahe nya kaya gumagamit ng unicycle. Pagpalain q ng poong maykapal. Ang ganyang bata ay alam qo na my mararating kc matiyaga at madiskarte. Go lang ng go dear at palagi q manalangin dahil darating din ang maraming tulong sa iyo dahil kaawaan qa ng nilikha dahil mabait q n bata.”