Pag-aaruga at pagmamahal ng isang ama sa nagtatrabahong anak, viral sa social media


Walang sukatan magmahal ang isang ama para sa kanyang pamilya. Ibubuhos nito lahat ng pagmahahal lalong-lalo na sa mga anak. Kilalang silang hindi titigil sa pagtataguyod at pagbigay suporta para sa kapakanan ng pag-abot ng mga pangarap ng mga anak, dahil para sa mga haligi ng tahanan, ang tagumpay ng mga anak ay malalaking tagumpay nadin nila.

Katulad nalang ng nag trending na video tungkol sa kung gaano ipinapakita at ipinapadama ng isang ama ang kanyang walang hanggang suporta sa anak, ang tagpong bumihag sa damdamin ng mga netizens.

Ayon sa dalagita na siyang nag-upload ng video sa kanyang TikTok account, madaling araw ang pasok niya sa trabaho, ang oras kung saan kasarapan ng tulog, ngunit nauuna pang gumigising ang ama niya upang ipaghanda lang siya ng kanyang agahang pagkain.

“My shift always starts at 3AM and daddy wakes up early to prepare my breakfast,”

Makikita sa ibinahaging video, ang kanyang ama bitbit ang kape at tinapay na kakainin niya bago pa man magsimula sa trabaho, at ipinagpapasalamat ang pag-aalaga ng ama.

“So girls,m dont settle for less when your dad treats you like a princess,” payo ng dalaga sa kapwa niya mga kababaehan.


Marami ang mga nakakarelate sa pagmamahal na natanggap ng uploader mula sa kanyang ama, na tunay at habang buhay din nilang pinapasalamatan dahil sa walang patid na sakripisyo at pagmamahal ng kanilang mga ama.

“My ideal guy is my dad 🥺 I wish god will one day give me a man, who is as patient, humble, funny and kind like my dad. 🥰❤️saad ni Dianne Margaret Del Espiritu

“My shift starts at 3am too but my Daddy wakes me up at 1:30am so I can still do my routine 😂😂😂 he plugs my computer, cook breakfast & prepare warm water for my bath…so why would I settle for someone less than that when my Daddy treats me like a princess since I was a kid 🥰🥰🥰” pagbabahagi ni AJ Lopez
Say naman ni Camille Mohammed, namimiss niya na sobra ang kanyang daddy na mula pagkabata at hanggang sa nagtatrabaho na siya ay hinahatid at hinihintay ng kanyang ama na ngayo’y hindi na nila kapiling.

“This post made me cry and I miss my dad. He used to make me breakfast, take me to school/ work, he never sleeps while waiting for me when I have a late shift at work. I’m a woman I am today because of him. I am sure he is sitting pretty in heaven because he has been a great dad. I am always going to be daddy’s princess. 💕”

May mga nagbahagi rin ng kanilang kwento, na lumaki silang hindi nararanasan kung ano ang feeling ng may nagmamahal na isang ama.

“I grow up without knowing how does it feel having a father who care and love you no matter what. But still I won’t settle for less,” ani Camille Hino-o

Source: TimCantFind