Ayon nga sa kasabihan, ‘Pag gusto may paraan.’ Alam naman natin na gagawin ng magulang ang lahat ng kanyang makakaya para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kahit na pa dumaan pa siya sa butas ng karayom.

Napakalaki talagang pagsubok ang bagong paraan ng pag-aaral ngayon. Hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa mga magulang. Kung dati kasi sa nakasanayan na teacher-student at classroom set-up, ngayon ang mga magulang ang nagsisilbing mga guro sa kanilang mga anak para maturuan sila sa kanilang mga leksyon sa eskwelahan.

Katulad na lamang ng sitwasyon na nararanasan ngayon ng pamilya Pardeno na ibinahagi sa Facebook page na DepEd Tayo Imus City. Nasa ika-anim na baitang ang batang si Ralph Jonas Pardeno.

Pero dahil ang kanyang ama ay isang contractual driver na sumasahod lamang ng minimum wage at ang kanyang ina ay isang full time housewife, wala silang sapat na pera para sana sa pambili ng cellphone at magpalagay ng internet sa bahay.

Kung kaya’t ang napili nilang paraan sa pag-aaral ng kanilang anak ay modular learning. Pero dahil ang mga magulang ni Ralph ay high school lamang ang natapos, malaking pagsubok ang kinakaharap ng kanyang ina para maturuan siya sa kanyang mga aralin.

Kaya naman ang ina na si Josephine Pardeno ay inihanda ang kanyang sarili sa kakaharaping obligasyon nito pero hindi niya sukat akalain na ganoon na pala kahirap ang mga aralin sa Grade 6 lalo na sa Mathematics.

Kung kaya’t naglakas loob siyang humingi ng tulong kay teacher Arly Flores, isang guro sa Math. Nagpaturo si Josephine sa guro para maibahagi niya ang kanyang nalaman sa kanyang anak na si Ralph at para magabayan niya ito sa pagsagot sa kanilang module. Binigyan rin siya nga mga notes para hindi siya malito.

Wika ng guro,

“Na-appreciate ko ang kanyang ginawa. Maraming magulang ang nahihirapan pero bukod tangi siyang nagsadya pa dito sa school para magpaturo. Tanda na committed talaga siya sa kanyang tungkulin. Sana all.”

Read also:

Estudyanteng nagtitinda habang nag-aaral online, umantig sa puso ng publiko!

Napakarami nang nangyari mula nang kumalat sa ating bansa ang påndemyång C0VI!D-19. Halos pitong buwan na rin mula nang magsimula ang tila bangungot na hanggang sa ngayon ay kinatatakutan pa rin natin.

Hindi na naging normal an gating pamumuhay mula noon. Hindi na tayo maaaring maging komportable sa pagpunta sa mga matataong lugar tulad na lamang ng mga pasyalan, mga mall, mga palengke, mga simbahan at marami pang mga lugar.

Kailangan ay palagi ring nakasuot ng “fåce måsk” at “face shiælds” kung lalabas ng ating mga tahanan. Maging ang negosyo, kabuhayan at trabaho ng mga Pilipino ay labis ding naapektuhan.

Lalong lalo na ang ating edukasyon sa ngayon. Sadyang napakahirap ng sitwasyon ng mga mag-aaral at guro natin sa ngayon. Nagsusumikap ang bawat isang makasanayan ang “New Normal”.

Ngunit kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang post na ito ng netizen na si Richard Rubrica. Sa kaniyang post ay ibinahagi niya ang mahirap na sitwasyon ngayon ng mga mag-aaral sa bansa.

Itinago niya sa pangalang Nene ang batang nasa larawan. Sa murang edad ay nagbabanat na ito ng buto sa pagtitinda ng mga “fåce shĪeld” sa gilid ng isang kilalang botika sa North Caloocan.

Ngunit minsang napansin ni Richard na habang nasa online class ito at kausap ang kaniyang guro ay nagtitinda rin ito ng kaniyang paninda sa bangketa. Talaga namang napakahirap ng sitwasyon ng mga mag-aaral at mga guro natin sa ngayon na patuloy pa ring nangangapa sa dilim kaugnay sa bagong paraan ng pag-aaral sa ngayon.

Napakahalaga ng edukasyon para sa maraming mga Pilipino. Para sa atin, isa ito sa mga pamanang maiiwan ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Isa rin ito sa mga kakailangan natin upang maging matagumpay sa buhay. Kung kaya naman kahit mahirap ay sinisikap pa rin ng marami na magtiis at kahit papaano ay masanay na sa modernong pamamaraan ng pag-aaral na ibang-iba sa nakagawian nating lahat.

Read also:

Bitbit ang Dalawang Anak sa Klase at Ngayon ay Nakapagtapos na ng Kolehiyo

Walang imposible! Ito ang pinatunayan ng isang ina na kung tawagin ng kanyang mga kaklase ay “Mommy Joyce”.

Ibinahagi ng estudyanteng ina ang kuwento ng kanyang pagpupursugi para makamit ang kanyang pangarap na makatapos sa kolehiyo.

Sabay na ginampanan ni Joyce ang tungkulin bilang isang ina sa kanyang dalawang anak at ang kanyang pag-aaral.

Ang istorya ni Joyce ay nagbigay ng inspirasyon sa marami lalo na sa inang katulad niya na hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak upang makamit ang pangarap.

Habang may dala-dalang ang malaking bag na may lamang diaper, tubig at snacks para sa mga anak ay bitbit ni Joyce ang kanyang dalawang anak patungo sa paaralan para isama habang siya ay nag-aaral.

Kung minsan, dalawang anak niya ang isinasama niya sa eskwelahan kapag walang mapag-iiwanan at kung minsan naman ay isang anak lang ang kanyang isinasama.

Paminsan ay napapakiusapan niya ang kanyang kaibigan o ang kanyang kamag-anak para mag-alaga sa kanyang mga anak habang siya ay nag-aaral ngunit kung wala siyang mapag-iiwanan ay isinasama na niya ang mga anak.

Nauunawaan naman siya ng kanyang mga Proffesors at ng kanyang mga kaklase dahil mababait ang mga ito.

Ang kanyang asawa ay nag-tatrabaho kaya pagkatapos nitong magtrabaho ay dideretso na siya sa eskwelahan ni Joyce upang sunduin ang kanilang mga anak. Ngunit, hindi maiiwasan kung minsan na patapos na ang klase ni Joyce bago makapagsundo ang kanyang asawa.

“Napakarami naming experiences na nakakatuwa, nakakatawa, nakaka-stress at nakaka-bless.” Pagbabahagi ng estudyanteng ina.

Ibinahagi rin niya ang tagpo na nangyari noon nang kailangan niyang magpunta sa eskwelahan para mag-report sa klase kahit na pitong buwang gulang pa lamang ang anak niya kaya iniwan niya muna ito sa kanyang brother-in-law.

“Habang nasa last few slides na ako ng aking report ay dinig na sa buong building ang napakalakas na iyak ni baby. Gut0m na gut0m na siya.”

Umabot ng limang tao sa pag-aaral si joyce bago tuluyang makatapos sa kanyang Master’s degree. Tatlong taong-gulang naman ang kanyang panganay nang magsimula siya mag-aral.

Buntis pa lang din ito noon sa pangalawang anak habang pinagsasabay sabay ang trabaho, pag-aaral at pag-aalaga ng bata. Hatid-sundo ng bata sa eskwela sa umaga, sa gabi naman ay pag-aaral naman ang inatupag nito.

Nakakagulat pang inilahad ni Joyce ang nangyari sa kaniya noong siya’y nasa kalagitnaan ng pag-aaral.

“Huling semester ko na sa UP kaya kahit na nagkaroon ako ng c0vid sa kalagitnaan ng sem. Tuloy pa rin ako sa pag-attend ng online class”

Gayunpaman, tuloy sa pagtupad ng pangarap si Mommy Joyce at patuloy na naniniwalang napakahaba at masukal man ang paglalakbay, sa huli ay sulit naman ang maaasam na tagumpay.

Matapos ang dalawang araw na inilaan para sa huling pagsusulit ay sa wakas at nakuha na rin nito ang inaasam na Master’s degree at nakapagtapos via “virtual graduation”