PAGBUBUNTIS UMANO NI JULIA MONTES SA 2ND BABY NI COCO MARTIN, TOTOO NGA BA?

PAGBUBUNTIS UMANO NI JULIA MONTES SA 2ND BABY NI COCO MARTIN, TOTOO NGA BA?

Maraming netizens ang naiintriga ngayon sa Kapamilya Star na si Julia Montes matapos itong lumabas sa finale episode ng Ang Probinsyano.

Ayon sa netizens tila kumpirmadong buntis si Julia Montes dahil sa pagbabago nito sa katawan.

Maging si Cristy Fermin naniniwalang buntis si Julia Montes dahil sa hugis ng katawan at malaki na umano ang tyan nito.

PAHAYAG NI CRISTY FERMIN :

“Alam mo naman ngayon Romel ang mga marites. Talagang lahat napapansin na nila. Kumilos ng pakaliwa at pakanan ang mga artista, meron agad silang napapansin. Tulad ngayon, totoo raw ba, question mark naman itong kanila, tandang pananong. Totoo raw ba na nagdadalang-tao ngayon si Julia Montes at ang itinuturong ama ay walang iba kundi ang walang kamatayang si Cardo Dalisay, si Coco Martin?”

“Kasi daw, napansin nila sa ilang eksena ng Ang Probinsyao at mga pictorial ni Julia na may kalakihan daw ang bilbil. Unang-una kong narinig ang kwento tungkol sa diumano, ayan po diumano ah, diumano’y pagdadalang-tao ni Julia Montes noong pumanaw si Manang Inday (Susan Roces). Nagpunta po sa ikalawang gabi ang mga artista at production staff po ng Ang Probinsyano sa lamay, wala si Julia Montes.”

Kaya naman mas umigting ang balitang totoo ngag buntis ang aktres na si Julia Montes kung saan ipinagbubuntis umano nito ang pangalawang baby nila ni Coco Martin.

Kaya naman nagbigay naman ng pahayag si Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanilang Youtube Channel na Ogie Diaz Showbiz Updates tungkol sa pagbubuntis ni Julia Buntis.

Ayon kay Ogie Diaz hintayin na lamang umano na sina Coco at Julia ang magsabi sa publiko kung sakaling nagdadalantao ito.

Napansin din kasi ng mga netizens na tila umbok ang tiyan ni Julia Montes sa naganap na Thankgiving Dinner ng buong team ng AP kasama ang mga bosses ng ABS-CBN.