Marami sa mga kabataan ang nangangarap na makapagsoot ng toga, makatuntong sa entablado at makatanggap ng diploma.

Kaya naman, kahit na tambak sa assignments, projects at mahihiråp na tanong sa mga exams ay nagpupursige pa rin ang marami para maisakatuparan ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Ilang taon at umaabot pa ng dekada ang pagdadaanan para makapagtapos sa pag-aaral at makatanggap ng diploma.

Ngunit, may ilan na hindi na natutupad ang pangarap na ito. May ilan na pinipili na lamang mamasukan at kumita na ng pera para makatulong sa pamilya, may ilan na nagkakaroon na ng pamilya at piniling makapag-focus sa pamilya at may iba naman na binabawiån na ng buhay katulad na lamang ng isang graduating student na si Hemenz Luzada.

Napupuno ng pangarap si Hemenz na iahon ang kanyang pamilya mula sa kahiråpan ngunit hindi na niya ito maisasakatuparan pa dahil pumånaw na siya.

Pursigidong mag-aral noon si Hemenz. Isa siyang working student na may kursong Business Administration Major in Financial Management.

Hunyo 26 ang araw ng kanyang pagtatapos sa kanyang kinuhang kurso ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay binawiån ito ng buhay nitong Hunyo 25, isang araw bago ang araw ng kanyang graduation day.

“Cardiåc arrest po. Nakita na lamang siya noong umaga na pat4y na,” ayon kay Evelyn, ina ni Hemenz.

“Wala siyang bisy0, hindi siya naninigårilyo. Sobrang såkit po [sa kalooban].”

Dahil dito, isang munting seremonya ang hinandog ng kanyang pamilya at dating kasinatahan na si Vanesa para matupad ang pangarap ni Hermenz na makadalo at makapagtapos ng kolehiyo kahit na wala na itong buhåy.

Read also:

Isang Lolo, Bumuhos ang Luha Nang Bawian ng Buhay ang Kanyang Asawa!

Sabi nila, ang buhay ng tao ay hindi mo malalaman kung kailan babawiin. Kadalasan, hindi natin inaakala at talaga nakakagulat na lamang. Ngunit, wala ng mas sasåkit pa sa pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. May sumpaan na tanging k4måtayan lamang ang makakapaghiwalay sa dalawang nagmamahalan.

Paano kung ang isang tao na mahalaga a halos sa kanya na umikot ang ating mundo ay bigla na lamang bawian ng buhay?

Viral ngayon ang isang video ng lolo na mararamdaman mong malungk0t. Umiiyak habang kinakausap ang kanyang asawa na wala ng buhay. Sa video na ibinahagi ng tiktok user na si jilleannev.

Sa video ay mababasa ang caption at point-of-view ng nag-upload. “When my lolo said: Sabi ko sayo pa nagkapera tayo magpapakasal ulit tayo.”

“Sana di na lang kita pinadala sa hospital kung alam ko lang na pag-uwi mo ay nakapikit ka na.”

“Wala nang hahalïk at yayakap sakin sa gabi sa kama.”

“Sabi mo papagaling ka lang sa hospital.”

“Sama na lang ako sayo, wala na kong kasama dito. Wala ka na.”

Marami naman sa mga netizens ang lubos na nalungk0t at naåwa kay Lolo. Nagmensahe din ang mga netizens ng kanilang pakikiråmay sa mga naulïlang pamilya lalong lalo na kay Lolo.

“Buti pa nga lolot lola , kahit sa huling hininga mahal na mahal padin nila ang isat isa tak0t sila mawala ang isa sakanila , kaya minsan sa kalagayan nila pag di nila kayang maiwan mas gugustohin nalang din nila sumunod sa mahal nila sana ganyan din sa mag asawa tak0t mawala ang taong pinakakamamahal , ,
Condolence Grandpa , stay strong,” ayon sa netizen na si Mhae Leiscel.

“Laban lang manong , ako nga matanda pa ako ng 14 na taon sa asawa ko pero nauna pa siya sa akin 42 taon lang siya ng lumisån , napakabata niya upang mauna sa akin, napakasåkit pero hindi natin kayang saklawin ang kalo0ban ng Panginoong DIYOS dahil utang lang natin Ang ating buhay sa KANYA, Siya Ang may hawak ng lahat at ang may kalooban lahat na mangyayari sa buhay natin,” saad pa ng isang netizen na si Manuel Orduña.

Read also:

Lolo, Namamalimos para Maibili ng Gatas ang Kanyang Apo

Isang Lolo ang humihigi ng tulong para sa kanyang apo dahil silang dalawa lang umano ang magkasama matapos na pumanaw ang ina ng sanggol.

Ayon sa post ni Emilio Torrente, nakita nya ang mag-Lolo na ito sa isang overpass sa Calamba na namamalimos para umano pambili ng gatas at diaper ng bata.

Ayon pa kay Torrente, pumanaw daw umano ang ina ng sanggol noong 9 na buwan pa lamang si baby kaya mula noon ay namalimos na lang ang Lolo ng sanggol upang maibili ito ng gatas.

Sa bangketa lamang natutulog ang mag-Lolo at humihingi sila ng tulong para sa mga gamit at gatas ng kanyang apo.