Pangarap na Graduation ng Pumanaw na Estudyante, Tinupad ng Pamilya!

Pangarap na Graduation ng Pumanaw na Estudyante, Tinupad ng Pamilya!

Pursigido at punong-puno ng pangarap si Hemenz Luzada, isang working student at iginapang ang sarili para makapag-aral sa kursong Business Administration Major in Financial Management. Nag-viral ang kanyang istorya nang pumanaw siya isang araw bago ang kanyang graduation day. Ayon sa kanyang nobya na si Vanesa Encila, masipag umano si Hemenz at pangarap niyang makagraduate.


“Noong graduation ko noong 2019, nakita niya po ang picture ko. Tapos sabi niya gusto niya rin pong may picture rin kami together sa graduation niya kasi ako raw po ang nag-push sa kaniya na mag-aral,” kuwento ni Vanesa.

“Gusto niya rin po na may picture sila together ng familya niya. Sa magkakapatid kasi, siya ang first na maka-graduate,” dagdag ni Vanesa.

Kwento ng pamilya ni Hemenz, June 25, isang araw bago ang graduation, sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi na nagising pa ang binatilyo.


“Cardiåc arrést po. Nakita na lamang siya noong umaga na patay na,” ayon kay Evelyn, ina ni Hemenz.

“Wala siyang bisyo, hindi siya naninigarilyo. Sobrang sakit po.”

Dahil hindi nakadalo si Hemenz sa kanyang graduation, isang munting seremonya ang hinandog ng kaniyang pamilya at dating kasintahan.