PANOORIN! Kaarawan ng Bata, Araw din ng Libing ng kanyang Ina

PANOORIN! Kaarawan ng Bata, Araw din ng Libing ng kanyang Ina

Kawawang Bata | Araw ng kanyang Kaarawan, ay Araw din ng Libing ng kanyang Ina Marami ang nalungkot at nadurog ang puso ng mapanood ang video ng pag iyak at pagdadalamhati ng batang si Ethan, dahil ang kanyang ina pala ay nasawi dahil sa aksidente, ilang araw bago ang kanyang kaarawan, at sa mismong araw pa ng kanyang birthday, ay araw rin ng libing nito.

Ang ina ni Ethan ay nasawi ng maaksidente ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Barangay Latag, Taal Batangas.

Ayon kay Lacey Ann Bruce, ang nag upload ng nakakalungkot na video, hiniling ng bata na nais niyang makita at mapanood ang kanyang ina kahit sa TV lang, gusto rin niya na lagi niyang katabi ang ina.

“Gusto ko panoodin si Mommy, gusto ko sa tabi ni mommy, gusto ko sa TV, gusto ko Mommy koooo. ” – Ethan

Nagpaabot ng pakikiramay at virtual hugs ang mga netizen para sa bata, at hiling nila na sanay maging mabuti, maayos at masaya palagi ang batang si Ethan.

“Happy Birthday Ethan. Marami kaming nagmamahal sayo, gusto ng mommy lagi kang masaya.” Mensahe ni Lacey Ann kay Ethan

“Bye Mommy, Ingat ka jan, mamimiss kita.” – Ang huling mensahe ni Ethan sa kanyang ina ng ilibing na ito.

Sobrang sakit para sa ating anak ang mawalan ng magulang, lalo na ang ating ina, na siyang nagsilang sa atin sa mundong ito.