Panukalang batas na muling ibalik ang parusang bitay, para sa mga taong nakagawa ng kasalanan

Panukalang batas na muling ibalik ang parusang bitay, para sa mga taong nakagawa ng kasalanan

Inilatag sa Kamara de Representantes ang batas para ibalik ang parusang kamatayan o bitay sa mga gagawa ng karumal-dumal na krimen saan mang sulok ng bansa.

Dapat nang ibalik ang capital punishment sa bansa para sa ganon ay matakot ang mga kriminal, Ayon sa may-akda ng House Bill 1543 na si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers.

“Crimes disturb the order of society. The death penalty is said to be the strongest deterrent society has against such crimes. It aims to restore order and adequately punishes criminals,” saad ni Barbers.

“The death penalty also serves as retribution for victims and their families,” dagdag pa niya.

Dapat gumawa ng paraan ang pamahalaan para matigil ang paggawa ng karumal-dumal na krimen. saad ni Barbers, ang pinakamabigat na parusa ang makapipigil nito ang parusang kamatay.

“If criminals charged guilty of committing heinous crimes are sentenced to death and executed, potential criminals will think twice before committing crimes for fear of losing their own life. In view of the foregoing consideration, the passage of this bill is earnestly sought,” hiling ng mambabatas.

“We should elevate this [proposal] to national conversation to get the sentiment of the people and those sectors vulnerable to these crimes,” patuloy niya.

Hindi na dapat maging anti-poor kung maaprubahan ang pagbabalik ng parusang kamatayan. Ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo.

“Kung magiging batas ito, dapat hindi maging anti-poor dahil ang mga mahihirap nating kababayan ay walang access sa magandang depensa. Baka ang mangyari eh in the end, puwede silang maging biktima ng hindi tamang pamamalakad,” sabi ni Quimbo.

“It is an empirical question, iba iba ang data, depende sa lugar, kikilatisin natin ang mga datos na ito,” dagdag ni Quimbo.

Inalis ang death penalty noong 1987, at ibinalik noong 1993. Pero muling ibinasura ang parusang kamatayan noong 2006.