Pasaherong nagmamadali, inaway ang driver dahil ayaw pahintuin upang tumanggap ng pasahero

Pasaherong nagmamadali, inaway ang driver dahil ayaw pahintuin upang tumanggap ng pasahero

Viral ang kuhang video ng isang netizen, matapos magkaroon ng pagtatalo ang driver at ang kaalitan nitong pasaherong babae.

Sa video mapapanuod na nagtatalo na ang pasahero at ang driver sa kadahilanang nagmamadali umano ito sa kanyang pupuntahan, ngunit ang driver ay panay hinto upang tumanggap ng mga pasaherong nais sumakay sa pampasaherong jeep.

Dito na umano nagalit ang babae at sinigawan at inaway na ang driver dahil sa panay hinto at mabagal na takbo nito.

Sumagot naman ang driver na hindi maaring bilisan ang kanyang takbo dahil jeep lamang ito at may mga pasahero rin na nais maging ligtas sa kanilang nais puntahan

 

Ngunit mas lalong nagalit ang babae kung kaya’t maging ang mga pasaherong sakay nito ay pinag balingan ng galit ng naturang babae, umeksena narin ang babaeng konduktor na kung maari ay bumaba nalamang ito kung ganito rin lang naman ang kanyang gagawin

Ngunit hindi nag patinag ang babae kung kaya’t tuloy lamang ito sa kanyang mga sinasabi, bandang huli dahil sa galit ng mga netizen na nakasakay sa jeep napag desisyunan nalamang ng babae na bumaba nalamang ng jeep dahil sa kanyang ginawang kahihiyan sa buhay.