Pasaherong Walang Helmet, Mannequin Pala!

Pasaherong Walang Helmet, Mannequin Pala!

Pinahinto ng ilang traffic enforcers ang isang delivery rider sa Rizal Avenue sa Puerto Princesa City, Palawan, dahil sa pagsakay sa isang pasaherong walang helmet, na isa pala itong mannequin na ihahatid niya sa isang customer. Inakala ng mga traffic enforcers na tao ang angkas na ‘yun pala ay isang mannequin.

Ang admin ng Just Ride Palawan Facebook page, na nag-post ng mga larawan na ngayon ay viral noong Lunes, Agosto 15, ay nagsabi sa Inquirer na ang nakakatuwang insidente ay nangyari mga dalawang buwan na ang nakakaraan.

Makikita sa isa sa mga larawan ang isang traffic enforcer na nagbibigay ng “thumbs up” na senyales sa rider matapos niyang ipasa ang inspeksyon.

“Saludo tayo sa mga attentive nating enforcer dito sa Puerto Princesa City, walang pinalalampas. Ride safe always, ka-rider!,” ayon sa caption.