PBBM, Nagreserba ng Upuan sa Inauguration Para sa Kanyang Yumaong Kaibigan na si Bong Daza!


Nagpareserba ng upuan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang yumaong matalik na kaibigan na si Gabriel “Bong” Daza III sa inagurasyon niya bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas nitong Huwebes ng tanghali, June 30, 2022.sa National Museum, Manila. Ibinahagi ni Isabelle Daza, anak ni Bong Daza sa kanyang instagram ang larawan ng kanyang sumakabilang-buhay na ama na nakalagay sa Seat No. 17 sa idinaos na inaugural ceremonies sa National Museum.

Anak ni Bong Daza at Miss Universe 1969 Gloria Diaz si Isabelle Daza. Imbitado ang mag-ina sa panunumpa ni Marcos Jr. bilang halal na presidente ng bansa. Ang matalik na kaibigan ni PBBM na si Bong Daza ay pumanaw noong July 14, 2016 dahil sa sakit sa puso.

Sinabi ni PBBM sa kanyang eulogy noon para kay Bong Daza na isang mabuti, tunay, at maaasahang kaibigan ang ama ni Isabelle.

“Lahat ng tao, pantay-pantay ang tingin niya, kahit sino. Kahit hari ka, kahit mayaman ka. Kahit mahirap ka, pantay-pantay. Para kang best friend ang lapit sa ‘yo. And that’s the one thing I learned from Bong. Yun ang talaga siguro ang malaking utang na loob kay Bong.

“Marami akong natutunan sa kanyang pagkatao because, again, it was hard for me because as I’ve said, I was exposed to people in this very strange context of the palace. And I finally suddenly discovered, no, this is the way to live. You treat everybody equally. Mabait ka sa lahat. If you can do a kindness, kung meron kang tutulungan, gawin mo.

“Kung merong walang matulugan, patulugin mo sa bahay. Kung walang makain, pakainin mo. Lahat ng tao, ganoon ang trato sa kanya, and I hope, I pray that I picked it up from him because that was the greatest quality that he had. He was so open and he was so sincere…”

Hindi nakalimot si PBBM sa kanyang kaibigan nang mahalal siya na pangulo ng bansa. Matatandaang tumayong pangalawang ama si PBBM ni Isabelle kaya siya ang naghatid sa aktres sa altar nang ikasal ang actress-TV host sa French national na si Adrien Semblat sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy, noong September 10, 2016.

“What a happy day! All of us who love you have our hearts full of joy for you and Adrien on this happiest of days. I feel the warmth of your father Bong’s smile on us as we wish you all the love, happiness and success as you embark on your new life together as husband and wife. Congratulations Mr. & Mrs. Daza-Semblat.”