Piercing on ears gone wrong; lumobo at namaga matapos itong butasan


Mangiyak-ngiyak na ibinahagi ng isang netizen sa kanyang tiktok account ang hinding malilimutan na karanasan matapos itong mag pa butas ng tainga sa isang mall sa kanyang post ay nito lamang June 28, 2022 ay naisipan niyang mag pa butas ng tainga kasama ang kanyang kasintahan.


Bagaman sana’y na itong mag pabutas sa tainga hindi na nagdalawang isip pa na muli itong subukan dahil narin ilang beses narin siyang nagpabutas ng tainga.

Ngunit makalipas lamang ng ilang araw matapos siyang magpa piercing ay tila hindi nagkaroon ng magandang resulta dahil hindi gumagaling ang nabutasang bahagi.

Namaga at lumobo ito, hindi rin halos makatulog ang netizen dahil sa sakit na nararamdaman, dito na napag pasyahan ng netizen na ipagamot ito dahil lumalala ang kundisyon ng kanyang tenga.



Sa kabutihang palad ay nasa maayos naman ang lagay ng netizen at pinayuhan ang marami na huwag gagayahin ang kanyang naranasan.