Pinaniniwalaang Imahen ni Mama Mary, Lumitaw sa Puno ng Cacao

Pinaniniwalaang Imahen ni Mama Mary, Lumitaw sa Puno ng Cacao

Viral ngayon sa social media ang larawan ng puno ng cacao. Diumano ang puno ng cacao ay may imahen ni Mama Mary. Dinaragsa ng mga taong naniniwala ang naturang puno na matatagpuan sa Zone 1, Barangay Tulungatung, Zamboanga City. Ang mga naniniwalang residente ay nag-alay ng kani-kanilang bulaklak at kandila habang dinadasalan ang puno.

Narito ang ang post na ibinahagi ng Radyo Pag-asa facebook page:

IMAHE NI MAMA MARY SA PUNO NG CACAO?

Dinadagsa ngayon ng mga deboto at lokal na residente ang umano’y lumitaw na imahen ni Mama Mary sa puno ng cacao sa Zone 1, Barangay Tulungatung, Zamboanga City.

Nag-alay ng bulaklak at nagtirik ng kandila ang mga deboto sa naturang imahen na kanilang dinadasalan.