Pinay Domestic Helper sa ibang bansa, buwis buhay ang paglilinis ng bintana

Pinay Domestic Helper sa ibang bansa, buwis buhay ang paglilinis ng bintana

“Sakripisyo” para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilyang naiwan sa Pilipinas ganito maisasalarawan ang isang ina mula sa larawan na nag-viral habang naglilinis ng bintana mula sa mataas na palapag ng gusali.

Alam ng maraming OFW na kapwa rin nila itong kababayan dahil maging sila ay ganito rin ang ginagawa naglilinis ng mga bintana mula sa mataas na palapag.

Aniya ng isa sa mga anak ng isang OFW “Nasa singapore si mama pero bat naglilinis si mama doon ng ganyan”


Bagaman hindi sinabi ng may-ari ng larawan kung ano ang pagkakakilanlan ng pinay OFW na naglilinis ng bintana at saang bansa kinunan ang larawan tanging saad lamang nito.

“Pahalagahan ninyo ang ipinapadala ng inyong mga magulang mula sa ibang bansa dahil hindi ninyo alam kung gaano kahirap ang kanilang pinagdaanan bago nila naipadala sa inyo ang kanilang pinaghirapang sahod”


Dag-dag pa ng netizen “Tapos bibigyan niyo pa ng sakit ng ulo ang inyong mga magulang na nagpapahirap at nagtitiis sa ibang bansa tapos malalaman lang ng inyong mga magulang na napapawira na kayo at hindi ginagastos ng tama ang mga pinapadala sa inyo”
“TAPOS IKAW HINGI HINGI LANG NG PERA PANG STARBUCKS PARA MAY MAPOST SA INSTAGRAM, PANG HAIR REBOND, PANG WALWAL, BRACES, LIP TINT, CELLPHONE PARA MAGMUKHA KANG SOSYAL TAPOS PAG DI KA NAPADALHAN AAWAYIN MO PA!” – dagdag pa ng netizen