Pinay OFW, 12 Years Nagtrabaho sa Saudi, Pumanaw Nang Hindi Manlang Nakita ng Pamilya!


Marami sa ating mga kababayan ang nagtutungo sa ibang bansa para doon magtrabaho. Naniniwala kasi sila na mas makakaahon sila sa kahirapan kung sa ibang bansa sila maghahanap buhay. Kahit na malayo sila sa pamilya ay handa nilang tiisin ito para lamang kumita ng pera. May mga sinuswerte at mayroon din namang hindi pinapalad.

Isang kababayan natin sa Saudi ang 12 taon na nagtrabaho, siya ay kinilalang si Marcela. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya dito sa Pinas ay napabayaan na niya ang kanyang kalusugan. Nagkaroon si Marcela ng stage 4 cancer na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.

Ang mas nakakalungkot rito ay kinakailangan niya ng SAR30,000 o may katumbas na PHP400,000 upang maiuwi dito sa Pinas ang kanyang katawan.

Hindi man lang nakita at nakapiling ni Marcela ang kanyang pamilya sa huling sandali niya dito sa mundo. Tanging sa videocall lang nakipag-ugnayan ang kanyang pamilya sa mga kasamahan ni Maricel.