Private Cemetery, Inireklamo dahil sa hindi maayos na paglilibing sa kaanak

Private Cemetery, Inireklamo dahil sa hindi maayos na paglilibing sa kaanak

Inireklamo ng isang pamilya ang isang Private Cemetery sa Davao City, Dahil sa hindi maayos na paglilibing sa kanilang pumanaw na mahal sa buhay Kung saan nasira pa ang kabaong nito.


Ayon naman sa mga kaanak “Bastos ang mga tao dito bastos, hindi namn aakalain na ganito ang mangyayari dahil private cemetery ito tiwala kami na maasikaso nila kami ng maayos pero ganito lang ang gagawin nila sa amin”


Imbis na paghihinagpis ang mamaramdaman ng pamilyang nawalan ng mahal sa buhay ay galit ang kanilang naramdaman matapos ang pangyayari, dumating na kasi ang araw ng libing na kung saan ito dadalhin

Ngunit pag dating nila sa nasabing lokasyon ay wala daw na naka schedule na libing nung araw na iyon kung kaya’t labis ang patataka ng pamilya dahil dito sila sinabihan.


Sa kanilang muling pagtatanong ay napag-alaman na mayroon nga silang schedule nung araw na iyon at nang makapasok naman sila sa loob ng private cemetery ay wala namang hukay na paglilibingan ng kanilang mahal sa buhay

Inabot pa umano ng mahigit 2-oras ang kanilang paghihintay dahil hinuhukay pa papala ang lupang paglilibngan sa kanilang mahal sa buhay.