Pulis, hindi nag-atubili na payungan din ang mga asong ito sa gitna ng malakas na ulan!

Pulis, hindi nag-atubili na payungan din ang mga asong ito sa gitna ng malakas na ulan!

Hindi na bago ang mga nararanasan nating malakas na bagyo, ulan, at matinding init sa paglipas ng panahon. Marami ang nakakaranas na ng “climate change” at “global warming” sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Talagang nakakabahala ang mga ito ngunit kadalasan ay wala na rin naman tayong magawa kundi ang tanggapin na lamang na ang lahat ng ito ay kagagawan rin ng karamihan sa atin. Dahil sa naging pabaya tayo at abusado sa mga bagay sa ating paligid.

Sa ngayon ay talagang nahihirapan na ng husto ang Inang Kalikasan, ang ating mundo, at ang mga hayop na naninirahan dito – maging tayong mga tao. Kung kaya naman napakalaking bagay pa rin ang makakita ng mga pambihirang gawa na ito tulad na lamang ng isang pulis na nagmasalakit sa mga asong gala na

Marami ang humanga at talagang bumilib kay Constable Tarun Kumar Mandal mula sa Kolkata, India. Ito ay matapos niyang payungan rin ang mga asong ligaw na tulad niya ay basang-basa na rin ng ulan.

Nagmo-monitor siya ng trapiko ng mga oras na iyon sa isang “seven-way crossing”. Hindi niya lubos akalain na mayroong makikisilong sa kaniyang mga aso na katulad niya ay basang-basa na rin ng ulan.

Dalawang asong ligaw rin ang nakahanap ng saklolo sa katauhan ng pulis na ito dahil hindi nito ipinagkait ang kaniyang payong sa gitna ng matinding buhos ng ulan. Isa sa mga taong napadaan lamang sa lugar ang kumuha ng larawan nilang ito na kalaunan ay ibinahagi nila online.


Naantig kasi sila sa kabutihan at pagmamalasakit ng pulis na ito sa mga kawawang aso. Ayon sa ilang mga ulat, ang India ay mayroong tinatayang 35 hanggang 40 milyong asong ligaw.

Mahirap din para sa mga taong naririto ang pagtulong sa napakaraming mga aso na napabayaan at naabandona na. Ngunit kahit papaano ay nagbigay ng inspirasyon at nagbukas ng mata ang simpleng gawa na ito ng isang pulis.