Putol man ang mga braso, determinado ang lalaking ito makatapos ng pag-aaral

Putol man ang mga braso, determinado ang lalaking ito makatapos ng pag-aaral

Aminin man natin o hindi sa panahon ngayon ay pahirap na pahirap ang buhay lalo na kung hindi mo pa ito pagsisikapan at wala kang gagawin kung hindi tumunganga na lamang. Kaya naman ang mga taong pursigido at madiskarte ay may bentahe na, paano pa kaya yung may kapa1nsanan ngunit determinado tiyak balang araw makakamit din ng mga ito ang minimithing pangarap.

Tulad ng isang socmed post na umagaw atensyon sa mga netizen, bagamat medyo matagal na itong naibahagi ni Bryan Oliva sa kanyang socmed account. Nagbibigay pa rin inspirasyon ang mga ganitong kwento ng buhay para sa mga taong nawawalan ng pag-asa lalo na yung mga taong normal ang pangangatawan.

Larawan ni Ferdinand Dabbay | Facebook

Ayon sa post ni Bryan mayroon silang kamag-aral sa kanilang paaralan na itinuturing nilang inspirasyon siya ay si Ferdinand Dabbay, siya ay walang braso at paa lamang ang ginagamit nito sa kanyang mga gawain. Kung makikita sa larawan ginagamit ni Ferdinand ang kanyang paa panulat sa pisara at ganun din sa kanyang kwaderno.

Larawan ni Ferdinand Dabbay | Facebook

Bagamat may kakulangan sa katawan hindi naging hadlang kay Ferdinand ang hirap na dinadanas nito upang magpatuloy sa pang-araw araw na hamon ng buhay. Kaya naman ang kanilang paaralan na (BCS) BALLESTEROS CENTRAL SCHOOL ay itinuturing siyang isang magandang halimbawa at inspirasyon . Mataas ang respeto ng kapwa mag-aaral ni Ferdinand sa kanya dahil sa nakitaan nila ito ng dedikasyon at determinasyon sa pangarap na minimithi nito.

Larawan ni Ferdinand Dabbay | Facebook

Kung ating titingnan si Ferdinand, maituturing natin siyang normal kung kumilos o mas daig pa nga isang taong normal ang pangangatawan. Kaya naman walang duda ang mga netizen ay mapabilib sa tulad niya.

Samantala basahin natin ang buong post;
“Kahit gaano kahirap ang sitwasyon niya pinipilit parin nya makapagtapos ng pag aaral.
Dahil di daw hadlang ang kapansanan nya kaya sya nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral. alam namin kapatid kaya mo yan kaya samasama tayong makakapagtapos kunting kembot na lng makakamit din natin ang tagumpay”

“Siya po ang isang naging inspirasyon namin sa paaralang (BCS) BALLESTEROS CENTRAL SCHOOL dahil ipinapakita niya na kahit anong hirap ng buhay nya ay pumapasok sya kahit may kapansanan. hindi hadlang ang kapansanan o hirap ng buhay para hindi makapagtapos ng pag-aaral patuloy kang magsumikap para makamtan mo ang yong pangarap sa buhay”