Rambol imbis na abuloy! Lamay pinaulanan daw ng bato, pati kabaong tinaga

Rambol imbis na abuloy! Lamay pinaulanan daw ng bato, pati kabaong tinaga

Kita sa video na ibinahagi ni Ems Alido sa Facebook ang tila nabulabog na katahimikan ng lamay ng kanyang ina.

Sa video, paulit-ulit na nanghihingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang nasabing panganay na anak ng OFW na si Ems Alido habang kinukunan ang paligid ng kanilang tahanan kung saan nakalagak ang labi ng namayapang ina.

Umiiyak at dama ang takot sa pananalita habang nagbi-bidyo ang panganay na anak na halos kapapanganak pa lang daw. Para hindi matamaan ng bato ay nagtago raw ito sa isang ‘durabox’.

Tinaga pa raw umano ang kabaong ng nakaburol at nagbanta ang hindi napangalanang ang nanggulo at nanghimasok raw sa kanilang tahanan kung saan naka burol ang labi ng namayapang kaanak.

“Sana po matulungan niyo kami tignan niyo po yung ginawa sa lamay ng lola ko.”

“Initak nila yung kabaong ng lola ko!”

Habang nang gagalaiti ang mga netizens na nakasaksi sa sinapit ng lamay ay may isang Alexiz Tejada na lumitaw sa mga nag kokomento sa video at tila nakapagbigay ng linaw sa sitwasyon.

Resbakan ng magkakaaway na kalalakihan ang itinuturong dahilan kung saan pati burol ng kawawang matanda ay nadamay.

Ani Alexiz, pinagtripan ng mga kaanak ni Ems Alido ang kanyang pinsan ng ito’y mapadaan lang sa harap ng pinagbuburulan.

Gulpi at hampas ng bato sa ulo ang natamo nito, kaya ng makatakbo papalayo ay dali-dali naman itong bumalik upang gumanti sa mga nambugbog sa kanya.

Limang kalalakihan daw ang gumawa nito na siyang nagtakbuhan sa loob ng tahanan nang rumesbak ang grupo ng pinsan ni Alexiz Tejada.

Narito ang kanyang matapang na sagot sa video na ibinahagi ni Ems Alido:

“HINAHAMON KITA EMS ALIDO IEDIT MO ANG VIDEO MO!! ILAGAY MO SA CAPTION MO…PINAGBABATO ANG BAHAY NIYO BUKOD SA PINAGTULUNGAN ANG LIMA MO ANAK NG DALAWANG LALAKI….PANINDIGAN NIYO NA ANG STATEMEMT NIYO SA PRESINTO!!! PANINDIGAN NIYO ANG PAMBABALIKTAD NIYO SA NANGYARE NA KAYO ANG PINAGTRIPAN!!!”

“HINAHAMON KITA!!! WAG GANUN KULANG CAPTION EH!! SAGARIN MO NA!!! MUKHANG SANAY NAMAN KAYO SA KASINUNGALINGAN AT GULO EH….SAGARIN MO NA!!!!!!!!!!!!!!”

“HAYAANG MO NALANG HARAPIN NAMIN ANG MGA KASINUNGALINGAN NIYO!!!!!NAKAHANDA KAMI! HINDI MANGHUHULA ANG TAONG BAYAN!! SAGARIN NIYO NA PAGDADRAMA TUTAL NA SA INYO SIMPATYA NG TAO DI BA…YAN NAMAN GUSTO NIYO MANGYARE KAYA KINULANGAN NIYO TALAGA ANG CAPTION NIYO!”

Inaasahan ng lahat na maghaharap sa programa ni Raffy Tulfo ang dalawang pamilya dahil na rin sa pagpakita nito ng intensyon na malaman ang paliwanag na magkabilang panig.