Resulta ng DNA Examination sa Bung0 at Kalansåy ni Jovelyn, Positibo Ayon sa PNP

Resulta ng DNA Examination sa Bung0 at Kalansåy ni Jovelyn, Positibo Ayon sa PNP

Si Jovelyn Gallano ay isang 22-anyos na empleyado na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong Agosto 5. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang amo na nag-sign out na si Jovelyn sa kanyang trabaho bandang 6:30 p.m. noong araw na iyon. Nagawa pa niyang magpadala ng mensahe sa kanyang kapatid ngunit hindi na siya nakauwi. Ipinakita ng susp3k sa kaso ni Jovelyn Galleno sa mga awtoridad ang lugar kung saan nangyari ang sinasabing krim3n.

Sa ulat ng Radyo Bandera Philippines, makikitang itinuturo ng suspek ang mga sinasabing lokasyon ng krim3n. Ipinakita niya sa mga awtoridad kung saan umano sinaktån at [email protected] si Jovelyn. Ipinakita rin ng susp3k ang lugar kung saan umano nila itinapon ang mga gamit ng biktima,

Si Jonalyn Galleno, ang kapatid ni Jovelyn, ay nag-Facebook at pinabulaanan ang umano’y maling pananamit na ipinakita sa kanila. Ayon kay Jonalyn, hindi kay Jovelyn ang mga ipinakitang damit. Tinanong din niya kung bakit bawal kunan ng litrato ang mga damit na pag-aari umano ni Jovelyn. Idinagdag din ni Jonalyn ang isa pang tanong, kung bakit hindi ito inilabas sa media.

Sa update sa nangyari sa dalaga, inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng pagsusuri sa DNA ng bung0 at ang kalansåy na natagpuan sa isang site sa Palawan, na kinumpirma ng PNP sa ulat ng Radyo Bandera Philippines, ay kay Jovelyn Galleno.

“Base sa resulta ng DNA examination ng PNP Forensic Group sa DNA samples…una sa natagpuang kalansay at sa ina ni Jovelyn, lumalabas na 99.99 percent na tugma ang resulta,” ayon sa spokesperson ng PNP.

Ipinaliwanag din ng tagapagsalita na ang forensic unit ng PNP ang kumuha ng mga sample. Matatandaang itinuro ng isa sa mga suspek sa kaso ni Jovelyn, na nagkataong pinsan din ng biktima, ang lugar kung saan umano nila ginawa ang krim3n.