Lumabas ang pagiging striktong tito ni Richard Gutierrez sa kanyang pamangkin na si Lori Gutierrez.

Kamakailan ay pinainit ng anak na dalaga ni Ruffa Gutierrez ang social media.

Ito ay nang ibahagi ni Lorin ang kanyang mga bikini photos sa Instagram.

Makikita sa nasabing Instagram post ni Lorin ang super seksi niyang litrato suot ang kanyang hot na hot na bikining itim with short shorts na maong. Nilagyan niya ito ng caption na, “I need to stop wearing caps.”

Unang nag-comment sa post ang nanay ni Lorin na si Ruffa na tila may halong “galit”, “Nag-shorts ka pa!”

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens, dahil lumabas daw ang pagi­ging mother ng aktres. Ikinumpara pa ng ibang netizens si Ruffa sa ina niyang si Annabelle Rama dahil ganu’n din daw si Annabelle sa kanya noong bata pa siya.

Ilang sandali ay nagkomento din si Richard Gutierrez sa litrato ni Lorin.

Saad nito, “Cover yourself”. Hirit pa niya, “I don’t want any of these guys checking you out.”

Marami namang humanga sa komento ni Richard.

Lumabas di umano ang pagiging protective tito nito sa kanyang mga pamangkin.

May ilan pa ngang nagsabi na nakakatuwa na maging kapamilya ang aktor dahil siguradong bantay sarado ka.

Tipong meron daw magtatanggol sa panahong mayroong may mangbast0s sa kanyang mga pamangkin.

Samantala, napa-comment din sa kaseksihan ng dalagang anak ni Ruffa ang mga celebrities tulad ni Frankie Pangilinan, at ang daughters ni Sunshine Cruz na sina Angelina at Sam Cruz.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ang sεxү photos ni Lorin sa social media. May ilang pagkakataon na ring nag-viral at nag-trend ang mga litrato niya.

At karamihan nga sa mga comments ng kanyang followers ay nagsasabing pwedeng-pwede rin siyang maging beauty queen tulad ng kanyang nanay.

Read also:

Gladys Reyes, nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na ama!

Kilala ang seasonal actress na si Gladys Reyes, dahil sa kahusayan nitong gumanap ng mga kontrabida roles. Tinangkilik siya ng mga manonood magpa hanggang ngayon.

Naging bukas naman sa publiko ang buhay may pamilya ngayon ng aktres. At kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Gladys sa kanyang Instagram ang isang malungkot na pangyayari ngayon sa kanilang buhay.

Ito ay dahil ang kanyang pinakamamahal na ama na si Sonyer Reyes ay nilisan na ang buhay. Noon lamang October 25, ay kinumpirma ng actress ang malungkot na balita.

Nagbahagi ang aktres ng isang larawan kung saan madalas niyang ka-duet sa kantahan ang kanyang ama. Sa kanyang caption na, “Magkikita tayo muli sa bayang banal, Pa.” Ayon kay Gladys, pumanaw ang kanyang ama dahil sa multiple organ failure.

Sa kanyang post, “Thank you, Pa. I will always be a Papa’s girl!” she added. “Mission accomplished.” Sa isang magkahiwalay na post ng aktres, makikitang nagbahagi siya ng isang larawan kung saan hawak-hawak niya ang kanyang ama.

Sa kanyang caption, “Pa, see you later,” “Mahal na mahal ka namin!”

Matatandaan na noon lamang January, sinabi ni Gladys na inatake ang kanyang ama ng heart attack. Ayon pa sa kanya, isinugod nila noon ang kanyang ama sa ospital nang ito ay nagdaing ng severe chest pains.

Aniya, “Thanks to our dear God, my father was able to recover, as if nothing happened. But the doctors confirmed, he had an attack.”

“I am a certified Papa’s girl and what saddens me is that we are not allowed to visit him, according to the hospital rules, due to pandemic,” she continued. “Kept telling him, his grandchildren need him, to help us, guide them. To spend more bonding moments with him.”

Ika pa niya, “From angiogram this morning to angioplasty now. I was called by the doctor to make an important decision after they saw in angiogram it doesn’t look good, since I’m the ‘panganay’ and my mama is a senior and not allowed in the hospital. After consulting the family, I had to decide.”

Dagdag pa niya, “Doctors explained the risks and I prayed hard. I know God is in control.”

“Nakakapanibago lang wala kang karamay sa tabi mo because of strict safety protocols which I understand, I just can’t help to feel a bit emotional but I know I’m not alone, God is with me.”

Nagbigay naman ng pakikiramay ang kanyang mga kaibigan na celebrities na sina Coney Reyes, Angelika deal Cruz, Tina Paner, Camille Prats, Ara Mina, Sherilyn Tan, Lee O’Brian, Mikey Bustos, Rhea Santos, at Jennifer Sevilla.

Read also:

Jane De Leon, umani ng samut-saring komento matapos makitang kumakain ng balot sa labas!

Hinangaan ng maraming netizens ang kasimplehan ng bagong Darna na si Jane De Leon.

Tuloy na tuloy na ang paglipad ni Jane de Leon bilang Pinay superhero na “Darna”. Dating miyembro din daw siya ng all-girl dance group na ‘GirlTrends’ ng It’s Showtime.

Bago pa siya maging cast ng teleryeng pinagbibidahan noon ni Jericho Rosales. Nakasali rin siya sa 2017 fantasy drama series na ‘La Luna Sangre.’

Nagpakita rin siya sa Wansapanataym Presents ‘Tikboyong,’ at bumida na rin sa ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo. At ngayon na nga ay siya ang napili na bagong sisigaw na Darna/Narda.

Pero bago pa man ito, napahanga na ni Jane ang marami dahil sa kanyang kasimplehan. Namataan kasi siya kamakailan na sarap na sarap sa pagkain ng balot.

Ibinahagi din ng may-ari ng kinainan ni Jane ang pagbisita ng aktres sa kanilang tindahan.

“Thank you Jane De Leon. Sa pag bisita sa balut tambayan,” saad sa nasabing post.

Umani naman agad ng papuri ang kasimplehang ito ng aktres mula sa maraming netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“ding ang balot ”

“Bihira lang po ang nkain nang balot nang ganyan , after ng isa .gagawing medium ng suka ”

“sarap talaga yan balut na may suka”

“Yan ang filipina hehehehe yung iba kasi parang madedead pag kumain ng balot ”

“Nakakamiss kumain ng balot ”

“Bakit kapag ikaw maganda pa din? Pag kami kumakain muka kaming dugyot??”

Matatandaang Enero nitong taon lamang nang sumalang ang aktres bilang si Pol. Cap. Natalia Mante sa serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.