Rob Moya, naiyak matapos makatanggap ng Fathers Day messages mula sa rx na si Toni Fowler!


Naiyak umano si Rob Moya nang mabasa niya ang mensahe ni Toni Fowler. Bilang pagbati nito sa kanya ngayong Father’s Day.

Kahit pa nga hindi naging maganda ang kanilang pagsasama. Binati pa din ni Toni si Rob sa Araw ng mga Ama.

Aminado kasi ang controversial vlogger na naging malaking parte ng buhay nilang mag-ina si Rob. Pinasalamatan niya ito sa ilang taon na nagpaka-ama ito sa anak niyang si Tyronia.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi nga ni Rob ang screenshot ng mensahe ni Toni.

Mababasang saad ni Toni sa naturang message, “May panahon na nandyan ka para saamin ni Tyronia.. Lagi mong tatatandaan na part ng buhay mo na nag effort ka at nagpaka-tatay ka kay Tyronia. Na nag sakripisyo ka ng oras pagod at nagbigay ng pagmamahal saaman. Daddy Rob Happy Fathers Day we love you”

Ayon naman kay Rob ay naiyak daw siya nang mabasa ang mensahe ng dati niyang partner. Aniya sa caption ng kanyang post, “Naiyak ako dito… Mommy Toni Fowler  Thank you, Mommy and Happy Father’s Day sa lahat ng Dads out there!”

Alam naman ng publiko ang mga gusto na pinagdaanan nina Toni at Rob.

Gayunpaman, hindi pa din kinakalimutan ni Toni ang mga panahon na naging mabuting ama si Rob para sa kanyang unica hija.