Lahat naman ng magulang ay pangarap na makita ang kanilang mga anak na makapagtapos ng kolehiyo at makuha ang degree na kanilang pinapangarap.

Ang edukasyon kasi ang siyang natatanging maipapamana sa atin ng ating mga magulang dahil ito ay isang bagay na kailanman ay hindi makukuha o mananakaw sa atin ng kahit na sino.

Kaya naman talagang ginagawa ng ating mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para lamang mapagtapos tayo ng pag-aaral at makuha ang ating diploma. Ito din kasi ay isa sa makakatulong sa atin para tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan.

Kaya naman ganoon na lamang ang tuwa na nadarama ng TV host-comedian na si Ruby Rodriguez nang makita na nakapagtapos na sa kolehiyo ang kaniyang anak.

Proud na proud si Ruby sa kaniyang anak na si Antoinette Nicole Aquino. Si Antoinette ay nag-aaral sa isa sa mga kilalang paaralan sa bansa, ang UP-Manila. Siya ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts major in Social Science.

Talagang walang mapagsisidlan ang kasiyahan na nadaram ni Ruby para sa narating ng kaniyang anak.

Mensahe ni Ruby sa kaniyang anak sa kaniyang Instagram post,

“Its so official!! Congratulations ninichips Im so proud of you. Its Virtual Grad newnormal Cant wait to see you Miss u so much love you babe.”

Lahat ng pagod at puyat ni Antoinette sa paghahanda para sa kanilang pagsusulit, mga requirements, at projects ay talagang worth it dahil nakamit niya ang pinapangarap na diploma. Ito din ay isa sa maganda at espesyal na regalo na maibibigay ni Antoinette sa kaniyang mga mahal na magulang na naging inspirasyon niya sa kaniyang pag-aaral.

Aniya nga sa kaniyang Instagram post, “I am surprised you even even graduated” – me to myself but hey, I did it!”

Samantala, marami naman ang bumati sa anak ni Ruby na si Antoinette para sa achievement nito.

Read also:

Isang Babae Pinabilib Ang Mundo Nang Makakolekta Ng Higit 200 Piraso Na Medalya Dahil Sa Kanyang Nakakabilib Na Talino

Hindi rin biro ang pinagdadaanan ng isang estudyante lalo na’t kailangan nitong paghusayan ang kanyang pag-aaral upang mabigyan ng medalya.

Kaya naman nang maibalita ang dami ng medalya na natamo ni April Christelle T. De Leon ay talagang nakapagbigay inspirasyon ito sa mga kabataan na pagbutihina ng kanilang pag-aaral.

Umabot ng 200 ang bilang ng medalya na nakolekta ni April na isang 15-year old na babae mula Lingayen, Pangasinan. Dahil rito ay nagviral ang kwento ni April sa social media. Marami rin ang na impress lalo nang nilatag na ni April ang kanyang 200 na medalya sa sahig.

Maliban sa mga medalya ay mayroon ring mga certificates, trophies at beauty pageant sash. Ang lahat ng ito ay naipon ni April simula ng bata pa lamang siya. Talagang achiever si April at ito ang nagpapatunay sa kanyang mga tagumpay na nakamit sa buhay.

Siya ay nagtop 1 rin mula Grade 1 hanggang Grade 10 at nang makarating ito sa Junior High ay nakamit nito ang highest honors na hindi bababa ng 96 percent, siya ang valedictorian sa kanilang batch. Tunay na kahanga-hanga ang talino ni April Christelle.

Maliban sa pagiging matalino ay sumasali rin umano ang dalaga sa mga beauty pageant at madalas pa itong manalo sa mga ito. Maliban sa cash prize na naiuuwi nito ay mayroon rin siyang mga trophy at medalya na nakadagdag sa kanyang achievements.

Sa ngayon ay plano ni April na mag Senior Highschool sa Chicago. Pagkatapos umano nito ay babalik siya sa bansa upang kumuha ng Medical course na BS Biology sa unibersidad na pinapangarap nito.

Hindi lamang sa beauty pageant at academics lumalaban si April kundi pati rin sa buhay upang makamit ang pinapangarap nito.

Kaya naman ay karapatdapat lamang tularan si April Christelle ng mga kabataang Pilipino na pagbutihin ang pagaaral upang makapagbigay ligaya din sa mga magulang.

Read also:

Minamaliit na kargador noon, “Doctor of Education” na ngayon!

Hindi madali ang mga pagsubok na ating kinakaharap sa araw-araw. Hindi kailan man naging biro ang mga sakripisyo at paghihirap na kailangan nating pagdaanan upang makamit lamang ang mga pangarap natin sa buhay.

Isang napakagandang halimbawa na nga si Jonny Viray na ngayon ay isa nang ganap na “Doctor of Education” ibinahagi niya ang nakakamangha niyang kwento sa DepEd Open Educational Resources (OER), isang group sa social media platform na Facebook. Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya. Hindi tulad ng ilan niyang mga kamag-aral at kaibigan ay hindi nila naranasang magdiwang ng kaarawan o kahit “graduation” dahil wala naman silang pambili ng mga espesyal na pagkain.

Kahit nga pansit ay hindi sila nakakapaghanda noon. Nakapagtapos siya sa hayskul bilang isang “Salutatorian” ngunit hindi rin naghanda at nagdiwang ang kaniyang pamilya.

Buti na lamang ay mayroon siyang isang kaklaseng naghanda kung kaya naman doon na lamang siya nakikain at nakisaya. Noong nasa elementarya pa lamang siya ay madalas na lugaw lamang ang kaya niyang bilhin sa Php2 na baon niya.

Ngunit nang tumuntong na siya ng hayskul ay mas naging mahirap para sa kaniya ang lahat dahil talagang walang wala silang pera at pagkain. Sinikap ng kaniyang ama na mapag-aral silang magkakapatid sa isang pribadong paaralan kahit hirap sa buhay.

Tuwing buwan ay kailangan nilang makabayad ng halagang Php244. Hindi ito gaano kalaking halaga ngunit para sa pamilya nila noon ay napakalaking bagay na nito.

Dahil dito ay madalas bawas o wala talaga silang pangbili ng pagkain. Dahilan upang mahimatay sa gutom si Jonny. Gusto na niyang sumuko ng tuluyan ngunit tumatak sa kaniya ang mga salita ng kaniyang guro sa Filipino na si Mrs. Juliet “Jhet” Jimenez.

“Kung titigil ka kase gutom ka, lalo kang magugutom bukas kung hindi ka mag-aaral; may pag-asa pa,” pahayag niya.

Kalaunan ay nakapagtrabaho siya bilang isang kargador sa pantalan. Nalungkot siya sa tuwing nakikita ang mga kaklase niyang nakapagpatuloy ng pagkokolehiyo.

Nang magkita ang kaniyang ina at dati niyang guro sa Economics na si Ms. Mafalda L. Manansala ay inimbitahan niya itong maging isang working student. Nagsumikap siya ng husto hanggang sa makapagtapos siya ng kaniyang kursong Education bilang Magna Cum Laude.

Kumuha siya ng “Master of Arts in Education Major in Educational Management” sa Don Honorio Ventura Technological State University. At kinumpleto ang kaniyang “Doctor of Education” at sa ngayon ay isa na siyang ganap na Doktor ng edukasyon!