Russian National, Iniwan Ng Kanyang Asawang Pinay


Bakas sa mukha ng isang foreigner ang labis na paghihirap na dinaranas, nagtitiis sa init at lamig ng panahon dahil natutulog na lamang sa bangketa at wala nang pakialam sa kanyang kaligtasan.

Napansin ito ng isang residente sa Brgy. Mactan sa Lapu-lapu City Cebu kayat ipinost sa social media sa pagbabakasakaling makatulong.

Sa pagsiyasat ng lokal na pamahalaan ng Lapu-lapu City, nalaman na siya ay si Yuri, isang Russian National na nangungupahan sa Brgy. Pusok ngunit ilang araw ng natutulog sa labas ng isang tindahan sa Brgy. Mactan.

Kinuhanan ito ng video ng isang Samboy Alegre Regla kung saan tinulungan pa nitong ayusin ang natuklap na tapakan ng kanyang sapatos at bakas sa kanyang mukha ang kawalan ng gana sa buhay.

Agoda namang napansin ng Lapu-lapu City LGU ang nagtrending na video kayat agad inutos ni Mayor Ahong Chan sa DRRMO Team na i-rescue ang foreigner na agad dinala sa Public Hospital sa Carajay at nalaman na may iniinda itong pamamaga sa braso.

Ayon sa kanyang mga kapitbahay, dumaan sa matinding trauma ang banyaga dahil umaasa itong babalikan ng kanyang asawa at makapiling ang tatlo nitong anak.

Siniguro naman ng Lapu-Lapu LGU na tutulungan si Yuri sa oras na handa na itong ipahayag ang ninanais na tulong