Sanggol Inilagay sa Isang Eco Bag at Iniwan sa Tapat ng Convinience Store


Isang bagong silang na sanggol na babae ang nilagay sa isang eco bag at iniwan sa tapat ng isang convenience store sa Barangay Bingag, Dauis, Bohol nito lamang lunes Oktubre 10.
Dakong alas 5:30 ng umaga ay nakatanggap umano ang mga pulisya ng tawag mula sa isang tindahan ayon sa pinuno ng Women And children Protection Desk ng Dauis Police Station, na si Police Staff Sergeant Ritchel Pabalan.


Pinaghahanap na ng pulisya ang taong nag-iwan ng eco bag na naglalaman ng bagong silang na sanggol sa labas ng convenience store sa bayan ng Dauis, Bohol noong Lunes.

Ipinaalam ni Riche Tuades, anak ng may ari ng 7R Store, habang binubuksan niya ang kanilang tindahan ay may napansin daw siyang isang eco bag, nagulat siya na isang sanggol na babae pala ang laman ng eco bag.


Ayon sa mga nakasaksi ay nasa pagitan ng 3 araw hanggang 7 araw na ang edad ng sanggol. Dinala na ang sanggol sa Municipal Social Welfare and Development Office at mabuti naman ang kaniyang kalagayan.


Kasalukuyan ng hinanap ng mga pulis ang ina nito o ang taong nag iwan sa sanggol.Naghahanap na rin ang mga pulis ng saksi at CCTV Footage sa pagkaiwan sa sanggol