Sanggol na inakalang Pumanaw inilibing, tuluyang pumanaw

Sanggol na inakalang Pumanaw inilibing, tuluyang pumanaw

Tuluyan ng pumanaw ang bagong silang na sanggol na inakalang wala nang buhay na agad inilibing sa Public Cemetery sa bayan ng Pulupandan, Negros Occidental.

Lumabas din sa pagsiyasat na nanganak lamang sa bahay ang babae kasama ang manghihilot upang mailuwal ang bata mula sa sinapupunan nito hindi na dinala ng mga magulang ang baby sa pagamutan pagkatapos iluwal dahil sa walang senyales ng buhay ang sangg0l. inakala ng mga magulang na pumanaw ang kanilang anak.


Una rito, inilibing ng 22-anyos na ina kasama ang live-in partner ang sangol sa tulong ng isang sepulturero dahil sa pag-aakalang patay na alas sais ng umaga kahapon Agosto 21, 2022.


Ngunit tatlong oras ang makalipas narinig ng sepulturero ang iyak ng bata kayat dali-dali nitong binuksan ang nitso at kinuha ang bata na agad humingi ng tulong.


Kinumpirma ni Police Capt. Ryan Villasario ng Pulupandan PNP matapos mareskyu sa loob ng nitso ang bagong silang na sangg0l subalit hindi rin nagtagal.


Iniimbistigahan naman ng pulisya ang mga magulang ng baby na napag-alamang produkto umano ng “unwanted pregnancy” kung mayroon silang criminal liability