Seaman, Nanlumo ng malamang Nabuntis ng ibang lalaki ang kanyang GF


Isang Seaman na nasa barko, nanlumo ng malaman na nabuntis ng ibang lalaki ang kanyang kasintahan.

Sobrang nadismaya ang Seaman na si Kien Morales Cartagena ng sinabi sa kanya ng kanyang kasintahan na nabuntis sya ng ibang lalaki at nakiusap pa ito na wag ng kausapin ang lalaking nakabuntis sa kanya para wala ng gulo.

Ibinahagi ni Kien sa Social Media ang screenshot ng kanilang pag-uusap, na ipinaalam ng babae na nabuntis sya ng ibang lalaki.

Dahil sa nangyari, labis na nalungkot si Kien kaya nagpahayag ito ng kanyang nararamdaman sa kanyang Social Media Account.

“Just wow. Yung ganitong uri ng babae. Na habang ako’y nasa barko at umaasa naman pala sa wala. Habang pala nagtrabaho ako, siya naman nag patrabaho sa iba. Just wow. Petmalu ka girl. i-tag sana kita kaso naka block na pala ako. hahaha Pero ok lang masaya kana eh sa mga panloloko mo sa akin. Kung nakipag-usap ka lang sana sa akin ng formal hindi na hahantong sa ganito kaso wala eh. Nakakab4stos ka. Di mo alam ang nararamdaman ko habang di ka makausap, pero salamat. Sana wag pamarisan ang tulad mong babae. Wag kang mag alala. Wala ako time mag-chat sa bf mo, sayang ang oras ko. Anyway goodluck sa buhay mo. Pinatunayan mo lang SEAMAN na talaga niloloko ngayon.”– saad ni Kien sa kanyang post